Kapwa nga naging tahimik sila yumi at franco ng makauwi ito sa bahay.
Pagkapasok nga sa kwarto ay tsaka lang nagsalita si franco,
"Love, ayoko na munang pag-usapan 'yung mga problema ngayong gabi. Pahinga ka na ah.. shower lang ako. I love you"-sabay halik nito sa noo ni yumi at nagtungo na nga sa banyo.
Hindi nga maalis sa isip ni yumi ang ginawang paghalik ni james sa kaniya lalo na at nakita iyon ni franco maging ang lihim na ngayon lang natuklasan.
Alam niyang sobrang nasaktan si franco dahil sa nalaman nito.
-------
Nakabukas na nga ang shower pero hindi pa rin nag uumpisang maligo si franco, sinasabayan nito ng iyak ang bawat pagbagsak ng tubig sa kaniyang katawan.
Hind niya mailabas ang bigat na nararamdaman kaya mas pinili na lang niyang mapag isa para mailabas ito. Ayaw niyag ipakita kay yumi kung gaano siya nasasaktan ngayon.
Doble 'yung sakit na nararamdaman niya lalo na't nalaman niyang nagtaksil pala ang ama niya sa kaniyang ina.
Hindi niya akalain na ang iniidolong ama ay magagawang bumuntis ng ibang babae. At kaybigan pa iyon ng kaniyang ina.
Mas lalong dumami ang katanungan ni franco sa kaniyang isipan.
-----
"Bakit ang tagal n'ya?"-tanong ni yumi sa sarili at pinuntahan na niya si franco sa loob ng banyo.
Nakita nga niya ito na nakadukdok habang dinig na dinig ang pag-iyak nito.. sinusuntok-suntok pa nito ang pader habang naka bukas ang shower.
Naluha nga rin si yumi dahil sa nakikita niya ngayon, kaya walang sali-salitang niyakap niya si franco mula sa likuran nito.
Humarap nga si franco at hinaplos ang mukha ni yumi,
"Love, ano'ng ginagawa mo dito?"
"Sabi mo hindi muna natin pag-uusapan ang problema? Eh, ano 'to? Umiiyak ka ng mag-isa.."
Isinara nga ni franco ang shower at inilayo niya si yumi mula dito kahit pa nga basa na rin ito.
"Dahil ayokong ipakita sa'yo na nasasaktan ako. Hangga't kaya kong kimkimin..kikimkimin ko..hayaan mo na 'ko love, 'wag ka ng mag-alala.. kaya ko 'to."
"Kahit naman hindi mo sa'kin sabihin love, alam kong sobra kang nasasaktan..Fiance mo ako. Kaya kung ano 'yung problema mo problema ko rin..hindi mo kaylangang solohin 'yan. Nandito ako, love.."-saad nito habang luhaan din ang mga mata.
"Ayokong ma stress ka lalo na't buntis ka..hindi ito maganda para sa'yo kaya hayaan mo na lang ako love. Halika na magbihis ka na basa ka na oh"
"Paano naman ako mapapanatag kung alam kong nahihirapan at nasasaktan ka."
Niyakap na nga lang ni franco si yumi at binulungan ito,
"Kapag hindi ka pa nagbihis hahalikan talaga kita ng isang oras. Sige na love, magbihis ka na"
"Gusto ko na rin maligo tutal basa na rin naman ako..sabay na tayo"
"Pero naligo ka na kanina. Love hindi magandang naliligo ang buntis ng gabi. Kaya last mo na 'to ah"
Ngumiti at tumango naman si yumi,
"Opo, boss.. last na 'to. Promise po hindi na ako magiging pasaway"
"Good.. ahm love? Sorry ulit sa nagawa ko kanina ah? Nasigawan kita..sorry talaga, hindi ko 'yun sinasadya"
"Okay lang 'yun love, naiintindihan ko naman eh"
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...