Nagkakasiyahan nga ang lahat sa Reception lalo na si eriz na talaga namang umiindayog sa pagsayaw.
"Wala ba kayong mga bewang?! Aba! Ihataw na! Music again please! Jumbo hotdog naman!"-sigaw nga nito kaya naman ng i-play iyon ay naghiyawan ang mga tao ng muli itong sumayaw.
"Wag kayong mahiya guys! Minsan lang 'to!"-sabay hatak nga niya kay nida.
Hiyang-hiya man si nida ay sumayaw na rin ito at sinabayan si eriz.
Naghiyawan ngang muli ang mga bisita at nagpalakpakan.
Nagtawanan at nakisabay na rin ang iba..
Tinulak tulak nga ni nathalie si francis para makisayaw na rin sa gitna pero hinahatak din siya ni francis kaya wala siyang nagawa kundi ang sumama na rin.
"Hatakin n'yo rin 'yung bagong kasal!"-sigaw muli ni eriz habang naka mic.
Kaya naman tumayo si yohan at jonathan at kinayag din ang dalawang bagong kasal.
Dahil hindi nga nakarating ang MC ay si Eriz na lang ang nagpa ingay..
"Mga people! Hanap kayo partners n'yo at tara dito mag tiktok!"
Iba't-ibang klaseng tiktok dance nga ang mga sinayaw nila. Kaya naman napaka saya talaga nilang lahat.
Nakihataw na rin sila Celine at James, Sila Michelle,Irah,Jonathan at Yohan.
"Sige! Hataw lang! Ang mapipili kong magaling sumayaw ay mag uuwi ng tumataginting na bente pesos!"-ani eriz at natawa pa sa sinabi niya.
"Hanep! Ang kuripot mo talaga eriz!"-sigaw ni francis.
Kaya muli silang nagtawanan..
-----
"Ngayon naman po ay pakantahin natin ang bagong kasal na si Franco "tutoy" Dela Vega."-ani eriz na ikinagulat ni franco.
Bumulong nga si franco kay yumi.
"Paano n'ya nalaman palayaw ko love? Kakahiya ah.."-naka ngiting tanong ni franco.
"Aba, malay ko sa kumag na 'yan"
"Mr. Dela Vega, Come here na.."-saad ulit ni eriz.
Napakamot pa nga si franco bago lumapit doon.
Iniabot nga ni eriz kay franco ang mic at sandaling nag isip ito ng kakantahin.
"Minsan ko na 'tong nakanta sa kaniya nung gabing takot na takot siya dahil sa masamang panaginip n'ya na never kong gagawin sa kaniya. Hi love,"-sabay tingin kay yumi. "My girl, My wife and My life. Para sa'yo ang kantang 'to Yumi Dela Vega"
Palakpakan nga ang mga tao.
Maluha luha naman si yumi habang nakatingin din kay franco.
Too many billion people Running around the planet
What is the chance in heaven
That you'd find your way to me
Tell me what is this sweet sensation
It's a miracle that happened
Though I search for an explanation
Only one thing it could beThat I was born for you
It was written in the stars
Yes, I was born for you
And the choice was never ours
It's as if the powers of the universe Conspired to make you mine
Until the day I die
I bless the day
That I was born for youToo many foolish people
Try to come between us
None of them seem to matter
When I look into your eyes
Now I know why I belong here
In your arms
I found the answer
Somehow nothing would seem so wrong here
If they'd only realize
That I was born for you"Ganito siguro ako kasaya kung natuloy lang kasal namin noon, ang sarap pala sa pakiramdam ng ikasal ka sa mahal na mahal mo at mahal na mahal ka, siguro nga natapos na ang karma ko kasi nakatagpo na rin ako ng lalaking mahal ako at nirerespeto ako bilang babae"-wika nga ni celine habang naka tingin kay franco.
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...