Chapter 15

192 6 0
                                    

Maaga ngang pumasok kinabukasan si Nayumi kahit pa nga alas nwebe pa ang dapat na balik niya ay bumalik na ito ng ala sais ng umaga.

Napakapag paalam naman siya sa mga magulang at sa kaniyang kapatid,bago bumalik sa mansyon.

Pinagbuksan nga siya ng Gate ni Jovan at nagtaka ito kung bakit ang aga ng dalaga.

"Oh? Andito ka na? Ang sabi ni sir franco 8:30 kita susunduin. Ba't ang aga mo?"

"Excited lang pong pumasok kuya, namiss ko agad 'yung bata eh"

"Asus, 'yung bata lang ba talaga?"

"Oo na. Pati ikaw. charr"

"Ang sabihin mo na-miss mo 'yung tatay nung anak-anakan mo hehe"-panunukso ng driver na si jovan na pinsan ni nayumi.

"Uy,kuya jovan ha! Mamaya may makarinig sa'yo isipin na nami-miss ko nga si sir franco. Hindi 'yan totoo. Ang namiss ko lang talaga 'yung bata"

"Weh? Sige lang kumbinsihin mo pa ako para maniwala"

"Maniwala ka man o hindi bahala ka na kuya"

"Okay, sabi mo eh"-naka ngiting tugon nito. "Si sir franco gising na, nakita ko kanina nagkakape na do'n sa garden eh"

"Maaga naman talagang nagigising 'yun"

"Oh? Kumusta pala day-off?"

"Hayun kuya, sobrang daming ganap na super nakaka windang"

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Marunong ka bang mag keep ng secret?"

"Oo naman.. secret keeper ako hehe"

"Ah talaga? Haha!"

"So ano 'yung secret na ishi-share mo sa'kin?"

"Aalis na kasi ako dito sa mansyon.magpapaalam na 'ko"

"Halla! Seryoso?! Bakit biglaan naman yata 'yan yumi?"-malungkot na sambit nito.

Ngumuso naman si nayumi,

"Eh, gano'n talaga kuya eh, kaylangan kasi talaga"

"Bakit nga? Bakit ka aalis? Ayaw mo na dito?"

"Gusto pero kasi----"

"Pero ano nga? Pinapakaba mo 'ko eh"

"Hayan! Kakakape mo 'yan kaya mabilis kang kabahan. Ang kape once a day lang hindo ten times a day kuya!"

"O edi wow! Nakuha mo pang magbiro. Bakit ka nga aalis?"

"Kasi nga.. kasi kukuhanin na ako ng ABS-CBN doon sa Batang Quiapo ako na daw 'yung magtitinda ng kandila do'n kapalit nila Tindeng at ni Mr.Torres"

"Loko ka talaga!"-at marahan n'yang nahampas ang balikat ng dalaga. "Akala ko seryoso na. Nagbibiro ka lang pala"

"Seryoso nga ako kuya, totoo 'yun. Tapos ako 'yung magsasabi kay tanggol na si Mr.Torres 'yung alitaptap sa Maria Clara at Ibarra. Pumasok lang s'ya sa portal patawid ng Quiapo"

"Sira! Naluka ka na! Pumasok ka na do'n"

"Hehe..kape?"

"Sige haha! Damihan mo gatas ah"

"Gawgaw na lang para masarap"

"Sige, ikaw na uminom"

"Haha! Sige na pumunta ka nalang sa kusina ipagtitimpla kita tsaka magluluto na rin ako ng agahan"

------
"Good morning sir, have a nice day po"

"G-good morning..ang aga mo ah?"

"S'yempre para maipagluto ko kayo ng breakfast"

Mommy For HireWhere stories live. Discover now