Sinunod nga ni james ang payo sa kaniya ni eriz, sinuyo nga niya ng sinuyo si celine kahit paulit-ulit siya nitong pinagtatabuyan ay hindi pa rin siya sumuko.
"Celine, nand'yan nanaman 'yung boyfriend mo"-saad nga make-up artist niya. "Kausapin mo na kasi. Kawawa naman si pogi"
"Hayaan mo s'ya, magsasawa din 'yan"
"Kawawa naman, kanina pa s'ya nandoon eh"
"Wala akong time makipag usap sa kaniya, lalo na't mag uumpisa na tayo. Dalian mo na lang sa pagme-make-up sa akin at 'wag s'ya ang intindihin mo, baklang 'to"
"Oo na, eto na. Mayayari na"-maarteng tugon nga nito.
"Paabot pala dwight ng cellphone ko"
"Okay, madam."-sabay tigil nga nito sa pagpalagay ng blush on kay celine.
Nakita nga ni celine na napaka rami ng text ni james. Pero hindi niya ito pinansin.
Paglabas nga niya ng tent ay nakita niya na naroroon pa rin si james, nagtagpo nga ang mga mata nila pero agad din siyang umiwas ng tingin.
Tumayo nga si james para lapitan si celine pero nauna na sa kaniya ang leading man nito at inakbayan siya patungo sa set.
Muli nga siyang naupo at nalungkot, maya-maya nga lang ay ibinaba na niya ang hawak niyang bulaklak sa upuan at umalis na.
"Uy, miss celine. Umalis na si pogi. Pero iniwan n'ya 'yung bulaklak na ibibigay sana n'ya sa'yo"
"Paki tapon"
"Halla! Talaga po ba? Sayang naman"
"Kung nanghihinayang ka edi sa'yo na lang. Basta 'wag mo sa akin ipapakita dahil ako mismo ang magtatapon no'n"
"Okay, miss. Noted po"
-----
"Kumusta oppa? Ano na? Nagkabalikan na ba kayo ni celine?"-agad ngang tanong ni eriz ng sagutin ni james ang tawag niya.
"Hindi pa, mukhang malabo ng maging kami ulit eriz, hindi nga niya ako pinapansin kahit pinupuntahan ko s'ya. Minsan nilapitan naman n'ya 'ko pero pinagtabuyan niya 'ko eh. Kaya hindi ko na natula 'yung ginawa nating tula para sa kaniya"
"Ouch, pain, hinanakit at dalamhati. Ano ba naman 'yan. Magwawakas na ba talaga? Teka! Asaan ka pala?"
"Nasa ospital ako, bakit? Pupuntahan mo ba 'ko? Naka duty pa 'ko eh"
"Hindi kita pupuntahan..pero p'wede ko bang mahingi ang number ni celine?"
"Ha? B-bakit naman?"
"Basta! Akong bahala. Ibigay mo na. Promise effective 'tong naisip kong plano"
"Hay naku eriz! Baka kalokohan 'yan ah. Baka lalo pang magalit sa'kin si celine n'yan"
"Basta kasi! Trust me! Sagot kita!"
"Okay, o sige eto na. Kabisado ko naman eh. 097030601**"
"Salamat, paki hintay na lang s'ya d'yan sa ospital ah"
"At paano ka naman nakaka siguro na pupunta s'ya dito?"
"Gaya nga ng sabi ko. Trust me oppa! I got you!"
"Okay, Sige na may mga pasyente pa akong aasikasuhin"
--------
"Yes, hello?"-tanong nga ni celine ng may tumawag sa kaniya.
"Hello, Celine po tama?"
"Ah.. yes po, sino po ito?"
"Ah.. This is SPO2 Ricardo Dalisay, Kaano-ano ka ni James Ferrer?"
"Ah, bakit po ba? Ex-Girl friend po n'ya. Bakit po?"
"Gusto ko lang ipagbigay alam na may nangyari kasi sa kaniya"
"Po?! Ano pong nangyari?!"-bulalas ni celine.
"Naaksidente s'ya eh.. wala kaming ibang matawagang kamag-anak. Kaya ikaw na ang tinawagan ko."
"Po?! Saan?!"-nag-aalalang tanong ni celine.
"Sabi ng mga witnesses um-over take siya kaya bumangga siya sa poste. Paki puntahan na lang po siya sa Makati Hospital baka hindi n'yo na s'ya abutan pang buhay. Malala kasi ang mga natamo n'ya. May sugat din s'ya sa dib-dib at mukhang may bali ang kaniyang mga paa"
"S-salamat po! S-sige po! Pupunta na po ako!"-nanginginig na tugon ni celine.
Hindi na nga nagawa ni celine na magpa alam kahit kanino na naroroon sa set. Dahil tumakbo na agad siya papunta sa kaniyang sasakyan at mabilis na nagpatakbo.
Habang nagmamaneho nga ay hindi niya maiwasang maiyak..
"Sana pala kinausap na lang kita kanina. Hindi siguro nangyari sa'yo 'to. Kasalan ko 'to eh. Nagmatigas kasi ako. Nasaktan kasi ako pero ayoko naman na mawala ka sa'kin. Sorry james..hintayin mo 'ko..papunta na 'ko d'yan!"-wika nga nito sa kaniyang sarili habang patuloy sa pag-agos ang kaniyang mga luha.
Pagdating nga niya ng ospital ay agad siyang tumakbo patungong Emergency Room.
May mga pumigil sa kaniya kaya naman sumigaw siya..
Nagtinginan nga sa kaniya ang mga tao doon..
"Bitiwan n'yo 'ko! Gusto ko lang makita si james! Kung ano'ng lagay n'ya!"
"Si Doc.James Ferrer po?"-tanong nga ng nurse na naroroon. "Teka! Ikaw si Celine Claveria ah. Yung Girl friend ni Doc.James"
"Opo, ako nga.. nasaan po s'ya? Gusto ko s'yang makita. May tumawag kasi sa aking pulis ang sabi dito dinala si james. Dito din s'ya nagtatrabaho 'di ba?"
"Pulis? Paanong tatawagan po kayo ng pulis eh---"
"Celine?"
"J-james?!"-sabay tingin nga sa kabuuan ni james. "T-teka?! Ang sabi ng tumawag sa'king pulis naaksidente ka?!"
"Naaksidente? H-hindi.."
Napasapo naman si celine sa kaniyang noo..
Lumapit nga siya kay james at pinaghahampas ito gamit ang kaniyang kamay.
"Bw1set ka! Akala ko talaga may nangyari na sa'yo! Nag-alala ako sa'yo ng sobra! Tapos okay ka naman pala! Naka duty ka! Kainis ka! Siguro kasabwat mo 'yung pulis na 'yon 'no!"
"Halla, hindi ah.. wala akong kilalang pulis"
"Kilala ka n'ya eh! Sabi pa n'ya siya daw si Ricardo Dalisay!"
Natawa naman ang mga nurse,doctor at mga pasyente na naroroon.
Maging si james ay natawa din kasi alam na niya kung sino ang tumawag na iyon kay celine.
"Tapos na po ang probinsyano ma'am. Batang quiapo na. Kaya siya na si tanggol"-saad nga ng lalaking nurse.
Tsaka lang napagtanto ni celine na hindi nga iyon totoong pulis.
"Anak ng tokwa! Bakit nga ba hindi ko naisip 'yun na niloloko lang n'ya ko? Sobra kasi akong nag-alala sa'yo eh! Bw1set talaga!"
"Wala ng bawian ah.. nag-alala ka sa'kin ibig sabihin n'yan mahal mo pa rin ako"
Kinilig naman ang mga naroroon,
"Hindi 'no!"
"Kasasabi mo lang eh, kaylangan pa palang may mangyaring masama sa akin para puntahan mo 'ko. I love you"
"Yiieeeeeee kiss na 'yan!"-sigawan nga nila.
Hinapit nga ni james si celine at agad na siniil ito ng halik.
Lalong naghiyawan ang mga tao doon hanggang sa natahimik silang lahat dahil dumating ang Director ng ospital.
"Anong kaguluhan ito?"
"W-wala po, back to work"-saad nga ng isang doctor doon.
Napakagat labi naman si celine at lumabas na ito ng ospital.
Itutuloy..
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Lãng mạn"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...