Chapter 152

38 0 0
                                    

Mommy for Hire
(Book 2)

Chapter 41

"Uy, yumi. Talaga bang okay lang na magpunta kami kahit hindi naman mismong bayaw mo 'yung nag invite sa'min?"-tanong ni elsa kay yumi.

Kaklase niya si Elsa at naging magkaybigan sila nito. Isa din sa mga kaybigan niya sina gwen at lyneth.

"Oo naman, si francis na rin nagsabi sa'kin na i-invite ko mga friends ko"

"Sa wakas makikita ko na rin 'yang francis na 'yan. Siguro malaki ang pagkakahawig nila ni franco 'no? Gwapo din?"-saad ni gwen.

"Malamang magkahawig 'yan. Magkapatid nga e"-tugon naman ni lyneth.

"Hmm.. hindi sila magkahawig ni franco. Pero oo, pareho silang gwapo. Iba-iba kasi itsura nila eh"-pahayag ni yumi.

"Kung sa bagay may gano'n naman. Magkakapatid pero hindi magkakahawig. Yung kambal nga sa'min eh. Hindi mo aakalain na kambal kasi ang layo ng mukha nila sa isa't-isa"-ani gwen.

"Tsaka kahit pogi pa 'yang bayaw ni yumi wala na tayong karapatan magka crush 'no. Boyfriend kaya 'yun ng kapatid n'ya."-wika naman ni elsa.

"Ay omsim ka d'yan girl! Tapos 'yung bayaw n'yang doctor asawa naman ng ate celine n'ya. Ehemm. Yumi, baka naman may iba ka pang bayaw na hindi nadidiscover? Sa'min na lang"-ani lyneth.

"So ano 'yun? Anak lang ni Francis M? Neto lang nakilala?"-tanong naman ni gwen.

"Aba, malay mo naman 'di ba? Si Doc. James nga after 23 years bago nalaman na magkapatid pala sila sa ama ni Franco."-tugon ni lyneth.

"Tumigil na kayong dalawa. Wala na 'yan. Si james lang talaga naging anak ni daddy kay tita krizelle."-tugon ni yumi.

"Sa ibang girl"-saad ni lyneth.

"Wala na.."-tugon ulit ni yumi.

"Patingin pala ako nung picture ni francis. Baka kasi masalubong namin hindi namin kilala tapos hindi naman mababati ng Happy Birthday. Nakaka hiya"-ani elsa.

"Wait, marami kaming pictures na magkakasama eh"-ani yumi at kinuha ang cellphone nito at hinanap ang picture nila ni francis.

"Oh, eto. Siya 'yan"

"Wow! Ang pogi n'ya ngaaaaa!!!"-tili ni gwen.

"Hala oo nga 'no? Hindi nga sila magkahawig ni franco pero pareho silang pogi"-pagsang-ayon naman ni lyneth.

Pero si elsa nanatiling tahimik habang naka tingin lang sa picture ni francis.

"Huy! Anyare? Walang reaksyon girl? No comment sa picture ni francis?"-tanong ni lyneth habang pinipisil pa ang pisngi ni elsa.

"Parang pamilyar s'ya sa'kin"-aniya..

"Si francis? Talaga?"-gulat  na tanong ni gwen.

"Oo, pamilyar talaga s'ya eh, parang nakita ko na s'ya."

"Baka naman kahawig lang s'ya nung nakita mo or kakilala mo"

"Hindi eh, wait. Iisipin ko kung saan ko ba s'ya nakita"

Ilang segundo ding nag-isip si elsa habang naka titig naman sa kaniya sila yumi.

"Ah! Alam ko na!"-sabay tayo nito at inisa-isang tinignan ang mga kaybigan.

"Talaga? Saan mo s'ya nakita?"-tanong ni lyneth

"Hindi ko lang s'ya basta nakita. Nakasama ko na rin s'ya. Pero matagal na 'yun. High school pa 'ko. 5 years ago siguro. Ex s'ya ni ate jasmin ko"

"Ex ng ate mo si francis?"-tanong ni yumi.

"Oo, mabait 'yan eh.. Kuya tawag ko d'yan kasi nga mas matanda sa'kin. Tapos natatandaan ko limang taon tanda n'ya kay ate. Kaya lang nag break din sila kasi nga nalaman ni ate na madalas gumimik 'yan. Sabi ni ate ayaw n'ya sa patapon ang buhay. Mula noong naghiwalay sila ni ate hindi na din kami nagkita. Alam kong sobrang mahal na mahal n'ya si ate sinubukan pa nga n'yang ayusin 'yung relasyon nila ni ate pero ayaw na talaga ni ate eh"

Mommy For HireWhere stories live. Discover now