Chapter 67

110 3 0
                                    

Masayang masaya nga si francis ng malaman nito na buntis na si yumi at magkakaroon nanaman siya ng pamangkin.

"Dapat talaga sanayin ko na 'yung sarili ko na tawagin kitang ate eh.. kasi ikakasal na kayo ni kuya magiging asawa ka na n'ya tsaka isa pa ate ka ni nathalie.. kaya ate yumi na itatawag ko sa'yo"

"Yung inate ka ng mas matanda sa'yo"-sabay tawa ni yumi.

"32 pa lang naman ako eh, tapos mukhang 23 hehe..oh edi para lang tayong magka idad"

"Oo na lang francis hehe"

"Ah basta.. ate yumi na kita ngayon"

"Oo na nga hehe"-naka ngiting tugon ni yumi.

"Ate, mahal na mahal ko kapatid mo. Sobra."

"Aba, dapat lang kasi mahal na mahal ka rin no'n"

"Masaya ako ate kasi tanggap n'ya 'yung past ko parang ikaw tanggap mo 'yung past ni kuya franco"

"Oo naman, basta mahal mo 'yung isang tao tatanggapin mo lahat..tsaka nakaraan naman na 'yun. Ang importante 'yung ngayon"

"Para talaga kayong totoong magkapatid ni natz kasi magka ugali kayo..pareho pang maganda"

"Nambola pa nga.."

"Hindi 'yun bola ah.."

"Love, tumawag si dra.ferrer"-agad na sabi ni franco ng makalapit ito sa dalawa.

"Bakit daw love? About ba sa check up ko ulit sa kaniya?"

"Hindi love, inaaya n'ya tayo bukas sa kanila"

"A-ano? Bakit daw"

"Sabi lang naman niya gusto niya tayong imbitahan mag dinner sa kanila."

"Pumayag ka na ba?"

"Hindi pa, sabi ko itatanong ko muna sa'yo kung gusto mo"

"Ikaw bahala love..."

"Si tita krizelle ba 'yan?"-tanong ni francis

"Oo, 'tol..s'ya nga, gusto mo bang sumama bukas?"

"Hindi na kuya, tsaka kayo lang naman ni ate yumi 'yung inimbitahan"

"Wow! Himala nag ate yumi ka ngayon?"

"S'yempre, mula ngayon ate na tawag ko sa kan'ya part na s'ya ng family natin. At part na rin tayo ng family nila"

"Tama 'yan"

--------

Pinaunlakan nga nila franco at yumi ang imbitasyon sa kanila ni dra.ferrer..

Gumagayak na nga sila para sa pagpunta sa bahay ng mga ferrer.

"Love, sure ka ba talaga na pupunta tayo?"-tanong ni yumi bago sila lumabas ng kwarto.

"Siyempre naman, kung iniisip mo 'ko dahil makikita ko si james..'wag kang mag-alala love, okay lang..may tiwala ako sa'yo. Tsaka kapag tinanggihan ko 'yun baka kung ano isipin ni tita at baka magtampo"

Huminga ng malalim si yumi tsaka ito tumango.

Humalik pa sa labi niya si franco bago sila tuluyang lumabas at sumakay ng sasakyan..

------

"Nandito na pala sila"-saad ni krizelle kaya napa lingon din si james.

Nakita pa nga nila ng pagbuksan ni franco ng pinto ng kotse ang kaniyang mapapangasawa.

Sumalubong nga si dra.krizelle sa mga ito at naka sunod din si james.

"Buti naka punta kayo?"-tanong ni krizelle sa mga ito.

Mommy For HireWhere stories live. Discover now