Inimbitahan nga ni franco ang pamilya ni Nayumi sa mansyon ng hindi nalalaman ng dalaga.
Umorder na lang din ng mga pagkain si franco na kanilang pagsasalu-saluhan ngayong gabi.
Walang kaalam alam ang dalaga na habang abala ito sa pagtuturo kay diana ay nasa daan na sila franco kasama ang kaniyang pamilya.
"Bakit ang daming pagkain?"-tanong ni yumi ng madaan sila irah at michelle na bitbit ang mga pagkain.
"Ewan, baka may bisita"-tugon ni irah.
"B-bisita? Wala namang nabanggit sa'kin si franco na may bisitang darating"
"Hindi ko din alam pero nag text si sir franco na parating na ang mga inorder n'ya at ihain ko daw sa dinning table"-tugon nito.
Naka kunot naman ang noo ni yumi habang iniisip kung sino ang mga bisitang darating.
Tinext nga niya si franco pero hindi ito nag reply.
"Kaya siguro hindi niya ako pinagluto kasi may balak pala s'yang umorder ng sandamakmak na pagkain"-ani yumi at nagtungo sa dinning table. "Hindi naman nagrereply 'yung kumag n'yong amo"
"Hayaan mo na, baka busy sa pagmamaneho"-tugon naman ni michelle.
"Halla, sino kaya 'yung darating? Parang kinabahan naman ako bigla"
"Bakit ka naman kakabahan?"-tanong ni nida.
Nagkibit balikat laman si yumi at saktong lumabas din ng kwarto si francis.
"Oh? Ba't ang daming food?"-tanong nito.
"Hindi ko alam, sabi nila irah baka may bisita daw ang kuya mo?"
"Hmm..sino naman kaya?"
"Ewan"ba
Maya-maya nga ay bumubusina na si franco kaya naman pinagbuksan sila ng gate ni jovan.
Pare-pareho nga silang naka tanaw sa paghinto ng kotse ni franco hanggang sa lumabas ito.
"May surprise ako sayo, love"-bungad nito.
"Surprise? A-ano'ng sorpresa 'yon?"-nagtatakang tanong ni yumi.
"Open mo na lang 'yung kotse"-tugon nito.
Bago nga tuluyang makalapit si yumi ay tinignan pa n'ya si franco.
Binuksan nga niya iyon at laking tuwa niya ng makita niya ang pamilya niya sa loob ng sasakyan.
"Hi, ateeeee!!"
"Nay, tay? Nathalie?!"-at dahil sa tuwa nga ay pumasok siya sa loob ng kotse at niyakap ang mga ito
Bumubuti na rin ang kalagayan ng tatay ni yumi nakakalakad lakad na ulit ito at tumutuwid na ang pananalita dahil iyon sa tulong ni franco.
"Akala ko kung sinong bisita 'yung darating. Kayo pala. Sobra ko pa naman kayong na-miss"
"Namiss ka rin namin ng sobra ate"
"Kumusta ka dito anak?"-tanong ni sandra.
"Mabuti po ako dito 'nay, kumusta po ba ang tatay kong pogi?"
"Eto, di na pogi"-tugon nito.
"Aba, talaga palang okay na ulit ang tatay ko ah.. tara po, pasok na po tayo sa loob"
Tumulong nga din sa pag-alalay si franco sa ama ni nayumi hanggang sa makapasok ito.
"Gumwapo ka dito,jovan"-ani sandra sa pamangkin.
"Ehem, tita naman. Talaga namang gwapo ang pamangkin mo"
"Naku dati nga lang para kang ulikba"-sabay tawa nito ng mahina dahilan para matawa din silang lahat.
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...