Mommy for Hire
(Book 2)Chapter 6
Gulat na gulat nga silang lahat sa nalaman mula kay james.
"Ibig sabihin, rich kid ka din pala eriz?"-tanong ni nathalie sabay lapit dito at tinapik-tapik ang balikat nito.
"Well, hindi naman sa pagmamayabang pero oo. Ako lang naman ang isa sa mga anak ni Gustavo Royales sa loob kasi may anak siya sa labas at si napoy nga 'yon"
"Hindi ka na talaga nakausap ng matino, eriz"-ani naman ni nida.
"Joke lang, dinadaan ko lang sa biro 'yung sakit na nararamdaman ko, kagaya nga ni yumi patay na 'yung real father n'ya ng malaman n'ya ang totoo. Masakit 'yun sweetie pie kasi lumaki ako na hindi ko halos naramdaman ang pagmamahal ng isang ama, 'yun pala hindi n'ya 'ko tunay na anak. Akala ko noon sinasabi lang n'ya na hindi n'ya 'ko anak, 'yun pala totoo 'yun"-at naging emosyonal nga si eriz.
Hindi na nito kinaya kaya tumakbo na ito palabas, sinundan naman siya ni francis.
"Grabe, marunong palang umiyak 'yon?"-ani nathalie.
"Natz, naman.."-ani yumi.
"Sorry ate, hindi lang ako sanay na makita siyang umiiyak."
"Kasalanan ko eh, dapat pala hindi ko na 'yun sinabi"-saad naman ni nida.
"Masakit talaga kapag nalaman mo 'yung totoo pero hindi mo naman na din makakasama kasi nga wala na. Tama si eriz eh, kasi kahit galit ako sa totoong tatay ko tatay ko pa rin 'yun eh. At hindi ko gusto na wala na siya. Eh, paano pa kaya sila eriz na hindi naman sila nagawan ng masama ng totoong tatay n'ya. Kaya dapat hangga't nakakasama pa natin sila sulitin na natin eh"
Bigla namang natahimik si nathalie, naalala niya ang tunay niyang ama. Hindi pa kasi alam ng tunay niyang ama at ni roselle ang totoo.
"Wala na sana akong balak na makilala pa ng totoong ama ko at ng kapatid ko pero bigla akong napa isip sa sinabi mo ate. Hangga't buhay pa ang totoong daddy ko, kaylangan n'yang makilala ako. Kaylangang makilala ako ng kapatid ko. Kaysa naman handa na akong makilala niya tapod huli na pala ang lahat"
"Tama 'yan, natz. Kaso delikado 'di ba? Galit ang asawa n'ya sa mama mo."
"Hindi naman namin ipapaalam eh, silang dalawa lang ni roselle ang kakausapin ko. At wala ng iba pang makaka alam. Ayoko din naman na pag-initan ako ng asawa niya may lahi pa naman daw tigre 'yon hehe"
____________
"Alam mo, hindi ako sanay na nakikita kitang gan'yan, sanay ako sa eriz na laging nagbibiro, laging naka ngiti at nakatawa. Pero sige lang, ilabas mo 'yan. Sobrang hirap at sobrang sakit talaga n'yan lalo na't magulang mo 'yun eh"-ani francis habang hinihimas ang likod ni eriz dahil umiiyak ito.
"Alam mo ba? kaya ayokong umiiyak kasi ag pangit kong umiyak."
"Hindi mo talaga bagay umiyak 'tol hehe.. Pero may tanong ako sa'yo"
"Ano 'yun?"
"Sa tingin mo sino talaga pum4tay kay Gustavo? Pinapanood ko din 'yon eh. Lahat kasi sila paghihinalaan mong pum4tay dahil silang tatlo talaga ang may galit sa ama nila eh"
"Hmmm.. sa tingin ko walang pum4tay do'n"-tugon ni eriz.
"Ha? Paanong wala? Meron 'yun."
"Malay mo naman nilason lang n'ya sarili n'ya, nag suicide gano'n, kasi 'di ba hindi s'ya kinausap ng mga anak n'ya? Nasaktan 'yon, kaya nag suicide na lang."
"Hindi gagawin ni gustavo 'yon 'no.. Parang sa tingin ko 'yun anne.. 'yung katulong ni B."
"Pa'no mo nasabi?"
"Baka may galit kay gustavo 'yun eh, hindi ba't nandoon din 'yun nung bumagsak sa kabayo si gustavo?"
"Ewan lang, hindi ko napanood 'yang part na nakausap si anne eh, ikaw ba?"
"Hindi na din hehe.."-tugon ni francis.
"Woyy! Dito n'yo pala tinuloy 'yang usapan n'yo sa palabas na 'yan ah"-saad ni nida. Tsaka ito umupo sa gitna nila francis at eriz.
"Nandito ka pala, sweetie?"
"Narinig ko 'yung sinabi mo sir francis, sabi mo si anne? Ako naman sa tingin ko nilason lang talaga n'ya sarili n'ya eh"
"Oh, 'di ba? Pareho pa kami ni sweetie pie ng hula"-ani eriz.
"Ay ewan hehe. Pati ako naguguluhan. Sige d'yan na kayo, kaylangan n'yo din makapag-usap"
Bigla namang lumabas si michelle,
"Sabi ni sir franco, picture daw. Malapit ng matapos visiting hours eh"
Bumalik nga sila sa loob at nag picture taking..
Pagkatapos nga ay nag-uwian na sila at si franco na lang ang natirang bantay nila yumi.
_______
"Jonathan? A-ano'ng ibig sabihin nito?"-naluluhang tanong ni Irah ng lumuhod sa harapan niya si Jonathan at may hawak itong sing-sing.
Nag picnic nga sila kasama ang anak ni Irah..
"Irah, gaya ng sabi ko sa'yo, seryoso talaga ako sa'yo. Seryoso ako sa sinabi ko na gusto ko ng bumuo ng pamilya. Tayo, ikaw at si Iram, at ang magiging mga anak natin. Will you marry me?"
Lalo ngang naiyak si Irah dahil sa sinabing iyon ni Jonathan.
"G-gusto mo akong P-pakasalan?"
"Oo naman, kung papayag ka. Mahal na mahal kita irah, mahal na mahal ko kayo ni iram"
"Pumapayag ako, pakakasalan kita, onat. Mahal na mahal din kita. Salamat sa pagmamahal sa amin ng anak ko"
Bago nga tumayo si Jonathan ay isinuot na niya ang sing-sing sa daliri ni Irah at agad itong tumayo at hinalikan ito sa mga labi.
"Yehey! Totoong papa na po kita. Yes! May papa na ako, mama! Masaya po ako!"-tuwang-tuwang sambit ng anak ni Irah na si Iram.
"Oo anak, may papa ka na.. magiging papa mo na s'ya"-tugon ni irah sa pitong taong gulang na anak.
"Kaya ngayon pa lang, ram.. tawagin mo ng papa si tito onat ah.. mula ngayon ako na ang papa mo. Mahal na mahal ko kayo ng mama mo"
"Mahal ka din po namin, Papa!"-sabay yakap nito sa hita ni jonathan.
"Ang sarap naman sa pakiramdam, anak.. doble 'yung saya ko"
"Masayang-masaya din kami, I love you and thank you sa lahat-lahat"-saad ni irah at yumakap na rin kay Jonathan.
Itutuloy...
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...