Para ngang sasabog ang dib-dib ni nayumi dahil sa sakit na kaniyang nararamdaman. Ngayon lang siya nasaktan ng ganito kaya hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin.
Kinuha nga niya ang mga gamit niya na nasa cabinet ni franco at kinuha ang kaniyang maleta sa dati niyang kwarto.
Pero pagbalik niya sa kwarto ni franco ay nandoon na si franco,
"A-ano'ng ibig sabihin nito?! A-alis ka?"-tanong niya ng makitang may hawak na maleta si yumi at naka kalat sa kama ang mga damit nito.
Pero hindi niya pinansin si franco at binangga niya lang ito para makadaan at makuha ang kaniyang mga damit.
"Ano bang nangyayari sa'yo, love?! Bakit nag eempake ka?"
"Wala ka ba talagang alam?!"-sigaw nito tsaka humarap kay franco. "Ayoko na dito! Ayoko na!"-sabay hagulgol nitong muli.
"H-hindi kita maintindihan,love.."-tsaka ito lumapit at niyakap si yumi pero nagpumiglas ito.
"Wow! Ang galing! Maang-maangan acting franco?! Sabi mo hindi mo 'ko sasaktan?! Pero ano 'tong ginagawa mo ngayon?! Sinasaktan mo 'ko!"
"Dahil ba 'to kay celine?! Akala ko ba okay na? Bakit bigla kang nagkakagan'yan? Mag-usap naman tayo ng hindi ka sumisigaw"
Huminga muna ng malalim si yumi bago muling magsalita.
"Ano'ng nararamdaman mo ng niyakap mo s'ya?! Bumalik ba? Bumalik ba ang nararamdaman mo para sakan'ya?!"
"Nando'n ka?"
"Oo! At kitang-kita ko kung paano ka naawa sakan'ya! Kung gaano kahigpit 'yung yakap mo sakan'ya! Ano pang ginawa n'yo nung umalis ako?! Hinalikan mo?!"
"No! Hindi ko gagawin 'yun! Andoon ka na rin pala bakit hindi mo tinapos? Hindi mo narinig ang mga pinag-usapan pa namin"
"Wala na akong pakealam pa sa mga pinag-usapan n'yo! Tama na franco! Tapusin na natin 'to. Ayoko na! Mag break na tayo!"-umiiyak na sigaw nito tsaka napatakip sa mukha gamit ang kaniyang mga kamay.
"No! 'wag mo namang gawin sa'kin 'to, niyakap ko lang si celine dahil naaawa ako sakan'ya, kanina ko lang nalaman ang side n'ya. Pero 'yun lang 'yon walang ibang ibig sabihin 'yun, maniwala ka naman sa'kin oh"
Umiling-iling lang si yumi at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Paulit-ulit siyang tinatangkang yakapin ni franco pero nagpupumiglaspa rin ito.
Hanggang sa hindi na niya napigilan ang sarili at nasampal niya ito. Dahilan para matigilan si franco.
"Tama si nanay eh! Masasaktan lang ako sa'yo! Sana pala nakinig na lang ako sakan'ya! Edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito! Ang tigas din kasi ng ulo ko eh! Maling tao pala ang pinaglaban ko! Maling mali! Tabeee!"-sabay hawin niya kay franco pero pinigilan pa rin niya ito.
"Please! 'wag mo kaming iwan ni diana! Hindi namin kakayanin 'to..nangako ako sa sarili ko na ikaw na ang huling babaeng mamahalin ko. 'wag naman ganito. Pag-usapan natin 'to. Mahal na mahal kita"
Napalunok naman si yumi at inalis ang kamay ni franco na naka hawak sa kamay niya.
"Ikaw ng bahala sakan'ya, kayo ni celine. Tutal kayo naman ang tunay na mga magulang. Sino lang ba naman ako 'di ba?! Mas okay na rin 'to. Sana sa pag-alis ko maging okay na kayo. Ako na ang mapaparaya para sa ikasasaya n'yong dalawa. 'wag mo na akong susundan..'wag na 'wag kang pupunta sa bahay. 'wag kang mag-alala hindi malalaman ni nanay ang mga nangyari dito. Paki-usap lang, 'wag mo na akong guguluhin.gusto kong makahinga. Ang sakit na eh!"
"Hindi! Hindi! Walang aalis! Dito ka lang.."-hindi na nga napigilan ni franco na maiyak. Kanina pa niya ito pinipigilan pero sobra na siyang nasasaktan dahil sa mga nangyayari.
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...