Chapter 85

97 3 0
                                    

Hinatak nga ni francis si Eriz palabas ng kusina..

"T-teka, saan mo 'ko dadalhin?"-tanong ni eriz kay francis.

"Tara sa kwarto ko"-tugon ni francis na ikinagulat ni eriz.

Hinatak nga niya ang braso niya na hawak hawak ni francis.

"Why?"

"Sabi ko na eh, 50 50 ka francis."

"Huh? Ano'ng 50 50?"

"Kalahating lalaki at kalahating pusong babae"

"Ano?! Luko-luko! May mga ibibigay ako sa'yong mga damit, pantalon tsaka mga shorts na hindi ko naman na isinusuot at 'yung iba hindi ko talaga naisuot. Dumi ng utak mo"

"Ahh.. hindi mo kasi sinabi agad. Kinabahan tuloy ako. Sige ba, gusto ko 'yan. Kakaunti lang kasi damit ko eh. Kaya paulit-ulit outfit ko"

Pagkadating nga nila sa kwarto ni francis ay maghang mangha ito sa luwang ng kwarto na iyon.

"Grabe! Kwarto mo lang 'to francis? Napaka laki ah. Buong bahay na namin 'to ah."

"Sobra ka naman.. halika nandito pa kasi sa cabinet mga damit ko eh"

"Kaso mas matangkad ka sa akin baka parang bistida ko na mga damit mo"

"Hindi 'yan..ang dami na kasi tapos hindi ko naman naisusuot lahat"

"Ibang klase talaga.. napaka dami naman. Tapos ang dami mong sapatos oh. Eh dadalawa lang naman paa mo. Ako nga nanghihiram lang ng sapatos kapag lumalaban ng basket ball eh"

"Oh, ayan..ang dami n'yan."-sabay baba nga ni francis sa kama niya"

Tinignan nga isa-isa iyon ni eriz.

"Grabe mga branded 'to ah. May mga tag price pa 'yung iba. Halatang hindi mo pa nga naisuot"

"Oo eh, kasi kapag mag gusto akong bilhin binibili ko talaga tapos nakakalimutan ko naman isuot. Alam mo mula nung naging Girl friend ko si Nathalie sa kaniya ko natutunan ang halaga ng pera. Mula talaga ngayon 'yung mga bibilhin ko na lang 'yung mga kaylangan ko. Siguro may mga konting luho pa rin pero hindi na kagaya ng dati. Tsaka hindi na lang sarili ko 'yung iniisip ko ngayon eh. Pati furure naming dalawa"

"Napaka sweet mo naman. Ang swerte talaga ni nathalie sa'yo"

"Swerte din naman ako sa kaniya eh. May gusto nga akong bilhin na bag para sa kaniya eh, gift ko para sa graduation n'ya"

"Mamahaling bag ba 'yan?"

"Oo, mahal ko s'ya eh"

"Naku 'wag! 'wag kang bibili ng mamahaling bag. Hindi n'ya tatanggapin 'yun"

"Ha? Pa'no mo nasabi?"

"Basta, ayaw n'ya ng binibigyan s'ya ng mamahaling gamit eh. 'di ba nga BFF kaming tatlo? Kaya alam ko 'yung mga ayaw at gusto n'ya."

"Eh, ano'ng ibibigay ko sa kaniya?"

"Mag-isip ka..'yung hinding-hindi niya makakalimutan. Na kahit saan siya magpunta dala-dala niya"

Napa isip naman si francis kung ano nga ba iyon.

"Ano ba 'yun? Hindi ko alam eh"

"Alam mo 'yan, tunay kang lalaki eh. Isipin mo kasi"

"Halla. Ang hirap mag-isip ah"

"Regaluhan mo ng baby gano'n! Hindi niya makalalimutan kahit saan s'ya magpun---- aaaraaayyyy! Mambatok ba?"

"Wala ka talagang kwentag kausap eh! Seryoso kasi ako. Tsaka ko na reregaluhan ng baby 'yun kapag kasal na kami"

"Nagbibiro lang naman ako, regaluhan mo ng sing-sing"

Mommy For HireWhere stories live. Discover now