Mommy for Hire
(Book 2)Chapter 14
Maaga nga ngayong gumagayak si franco para pumasok sa trabaho ng pigilan siya ni yumi.
"Love, 'wag ka na kaya munang pumasok ngayon?."
"Maraming aasikasuhin sa office, love"
"Ah, gano'n ba? Okay sige!"-tsaka nga lumabas si yumi sa kwarto. Pero muli itong bumalik ng maalala na nasa kuna pa si Baby anne.
"Nagtatampo ka nanaman ba love? Akala ko ba naiintindihan mo? Isang linggo din akong naka leave"
"Naiintindihan ko.. naiintindihan ko na mas mahalaga sa'yo 'yang trabaho mo kaysa sa amin ng mga anak mo! Sige na! Pumasok ka na! Okay lang ako na mag-alaga ng mga anak natin. Okay lang"
"Hindi totoo 'yan na mas mahalaga ang trabaho ko kaysa sa inyo."
"Talaga ba, franco?"
"Aalis na 'ko. Hahaba nanaman 'to eh"-humalik nga lang si franco sa anak at agad na lumabas ng kwarto at naiwan sa loob si yumi habang buhat si baby anne.
Naiyak na nga lang si yumi sa sama ng loob kay franco.
Paglabas nga ni yumi ng kwarto ay si francis ang bumungad sa kaniya buhat naman nito si baby cheska.
"Nasa'yo na pala si cheska? Kanina na kay mommy eh"
"Nag C.R si mommy eh, ayaw naman n'yang ibaba si cheska kaya binigay sa akin. Nakita nga din kami ni kuya e, ang aga naman n'ya ngayon"
"Baka nangangawit ka na? ilagay mo na s'ya sa crib sa room nila.Tahimik naman s'ya eh."-pag-iiba ni yumi.
"Hindi ah, okay lang. Buti hindi sila namumuyat kapag nand'yan sa room n'yo ni kuya?"
"Namumuyat ah hehe. Salitan naman kami ni franco"-naka ngiting tugon ni yumi.
"Teka, Umiyak ka ba?"
"Huh? Umiyak? Hindi ah"
"Sure ka, ate?"
"Oo naman. Ba't naman ako iiyak?"
"Para kasing umiyak ka eh, nasaan na nga pala 'yung yaya? Bakit wala pa?"
"Wala ng balita eh. Hindi na namin ma-contact."
"Pa'no 'yan ay? Grabe naman 'yung nag-apply na 'yon. Nang ghost hehe"
"Dalawa nga sila eh. Kaso 'yung isa naman hindi daw pinayagan ng asawa nung papasok na dito. Pero okay lang naman. Kaya ko naman alagaan 'yung mga bata. Tsaka nand'yan naman sila mommy. Tsaka ikaw. Thank you, francis ah. Buti ka pa. Nand'yan para sa mga bata"
"Wala 'yun ate. Ang sarap kayang mag-alaga ng mga pamangkin hehe. Dati si diana inaalagaan ko, ngayon sila cheska at anne naman."
"Tara sa garden, mag a-alas siyete na. Paarawan na natin sila."-saad nga ni yumi kaya naman nagtungo sila garden.
Masaya nga silang nagkukwentuhan habang pinapaarawan ang kambal ng makita sila ni franco. Bumalik kasi ito dahil may nakalimutan ito.
Nakaramdam nga ng inggit ito habang naka tanaw sa dalawa na buhat-buhat nga ang kambal.
Kung titignan kasi ang mga ito ay parang sila ang pamilya.
Akma ngang lalapit si franco ng makita niyang umakbay si francis kay yumi. At napansin niyang umiiyak ito.
At alam niyang naglalabas ito ng sama ng loob, dahil nga sa nangyari kanina.
Kaya naman hindi na siya tumuloy na lumapit at mas pinili na lang na umalis na.
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...