Sulat ng Isang Tarantado

2.6K 89 7
                                    

SULAT NG ISANG TAR*NTADO
ni: Kuya_Ian

hindi ko alam kung bakit may lakas pa rin ako ng loob na sumulat,
hindi ko alam kung bakit mayroon pa ring tinta ang gamit kong panulat,
hindi ko alam kung bakit ako sumusulat habang ang mata ko'y nakatikom at hindi pa nakamulat,
hindi ko alam kung paano pa ako nakakasulat habang nilalanggas ng sabay ang puso kong may sugat,
na ako mismo ang naging sanhi't ugat,
matapos piliing dumistansya't lumayo ng agwat,
habang ikaw ito, lumuluha't nakatitig sa mga mata ko,
habang humahakbang ako palayo,
nasaktan ako,
sobrang nasaktan ako,
sapagkat 'pag tingin ko,
ay naroon ka pa rin sa unang kinatatayuan mo,
at huling katatayuan mo,
noong matapos ang huling hininga ng 'tayo',
at pasensya na mahal ko,
kung 'di ko nasalba mula sa pagkakalunod ang 'ikaw'at 'ako',
nalunod sa uhaw ng pagmamahal,
at naging mitsa ng pagkalunod sa mga luha at damdaming nag-uumapaw,
pasensya na rin mahal ko,
kung 'di ko naisalba ang sarili ko,
sa pag talon sa bangin ng katapusan,
at ako mismo ang bumitaw mula sa pagkakahawak sa 'yong mga kamay,
at mahulog sa katapusan at yakapin ang katapusan,
dahil mas hindi ko pala kaya ang mahulog sayo at hindi ko naman kayang panindigan.

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon