(Piyesang kakornihan at kaharutan)
DOBLENG LETRA PARA SA DOBLENG PAGMAMAHAL KO SA IYO
Kung ang battery may AA
Puwede ka bang maging BB ko?
Hinding hindi ka magsi-CC
Dahil sa 'yo ko lang ipag-DD-inan ang pagmamahal ko.
Huwag kang maniwala sa kanila na EE-wan kita.
Hayaan mo sila, mga FF lang 'yan na walang magawa.
Baka ma-GG lang ako,
Hindi na kasi nakakatuwa 'yang mga HH nila.II may naalala lang ako.
Noong isang araw huhulihin sana kita kasi nahuli kitang nagJJ walking sa isip ko,
Ayun nahulog ka tuloy sa puso ko, KK ka lang ba? Saan ang masakit sa 'yo?Pero teka, nag-LL-q na kasi ang isip at puso ko
Kasi naman ang love story natin ay parang naging MM-k.
Matagal akong nag-NN-tay para malaman kung tama ba ang iniisip kong title o label nating dalawa, kaso lagi akong namamali.
OO na lang kasi talaga 'yong nag-iisang susi na gusto kong makuha para sa puso mo'y magwagi.
Ang dami mo kasing manliligaw na kumakatok sa puso mo kaya minsan na-PP-kon na lang ako.
Pero kung ako ang pipiliin mo, promise ko na ke QQ-t ng mga magiging anak natin
Pero syempre bago iyon, mag-RR-ral muna tayo nang mabuti.
tapos kapag nakapagtapos na tayo at naging tayo na ay sundin natin ang payo nila na SS sa ating dalawa.
Ikakasal tayo saka manunumpang magsasama sa saya at pag-TT-is.
UU-ko saka ipapangako sa Maykapal na tayong dalawa hanggang huli.
Ang lahat ng iyan ay mangyayari lamang kung papayag ka lang naman maging kaisa-isa kong VV.
Pangakong hindi mag-aaway na hahantong sa WWE.
Minahal na kasi talaga kita simula noong umpisa, kahit bumalik pa tayo sa panahon kung saan cool ang mga nag-XX-D.
Kaya 'wag na magtanong kung why
Mamahalin kita hanggang sa pinakahuling bukang li-YY
Basta sa akin lang, sa piling ko'y 'di mo pagsi-ZZ-han-Kuya Ian
(Inspired sa post ni @byrdiieee (twitter) na nakita ko kay Wansapunataym)
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoesieHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento