#ManilaEncounters kunwari

69 3 0
                                    

Madalas na akong gumamit ng pampublikong cr. Tiis-tiis lang sa amoy, panghi, minsan usok, dumi, putik, suka, gamit na tissue na didikit pa sa sapatos ko at saka kung ano-ano pa.

Hindi na rin bago sa akin ang sirang kagamitan nito, ika ko nga e libre naman.

Kabisado ko na rin ang mga suki nito. Naging kumpare ko pa nga iyong nakatabi ko minsang umihi noon.

Ngunit sa pagkakataong ito ay parang hindi na ito ang palikurang nagsilbing pangalawang tahanan ko na.

Gabi noon, nagbubutil na ang pawis ko kaya nagmadali na akong makarating dito.

At sa pagpasok ko ay biglang umihip nang malamig ang hangin.

Kaya nagmadali na ako kahit nanginginig na.

Mas lalo pang nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam ay ang mga naririnig kong paghakbang, bulong, pagragasa ng tubig at mahihinang pagtawa.

At sa pagpasok ko sa banyo ay ang pinakanakakatakot sa lahat.

Sa kubeta ay may tae pero walang tao.

#ManilaEncounters kunwari

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon