BATO
ni: Kuya Ian"bato bato sa langit
ang matamaan 'wag magalit"
pare, nakailang bato ka na bang nahithit?
'yong totoo? ilang beses na ba?
sapagkat bawat singhot ay ang paglapit
mo sa bingit ng kamatayang ikaw ang may sadyapare, nakailang gamit ka na ba ngayong araw?
bakit ka ba nagpupumilit na lumapit sa araw ng 'yong pagpanaw?
bakit ba pare gusto mong ilabas ang buo mong lakas sa pagtulak ng bato?
bakit ba pare gustong-gusto mong magpagamit sa gamot imbes na ikaw ang gumagamit sa gamot?pare, alam kong nasa dulo ka na ng 'yong limitasyon,
at alam kong napasama ka lang at nakain ng sistema kasabay ng pagkain nito at pagsabay sa modernisasyon,
pero sa lahat ng ito pare, dapat ito ang 'yong huling maging leksyon at maging misyon,
huwag mong igaya ang sarili mo sa basura na nililigpit na lang
at baka makita kitang itinatapon na lang sa estero ang katawan.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento