BES

281 12 0
                                    

"BES"

Kaibigan…
Oo, matalik kitang kaibigan
Bago moko banatan ng ugali mong puno ng kaplastikan
May pa status status ka pang nalalaman?
Akala mo di ko alam?
Di ko alam na bawat post mo, eh ako ang pinatatamaan?
Ang sabi pa nga sa BIO mo eh “Walang kaibigan”
Siguro wala lang talagang may gusto sayo kasi nga puro ka kaartehan
Mga pananamit, pabango mong matapang at yung ugali mong may kagaspangan.
Minsan napapasabi nalang ako, “Gaspang na nga mukha, gaspang pa pati katangian.”
Ang tanga ko…
Ang tanga ko kasi naniwala ako sa bawat panloloko mo..
Pagpapaikot mo…
At pambobola mo…
Nangongopya ka na ngalang ikaw pa galit.
Yan tuloy masyado kang pumapangit.
Pero bago moko iwan at umalis.
Sasabihin ko lang “Hayop ka bes”
Lakas mo pa kumopya duon sa mga test.
Ang kapal naman talaga ng iyong pes.
Akala ko totoo ka…
Akala ko mabait ka at pangmatagalan na tayong dalawa…
Akala ko lang pala…
Kasi nga manloloko, mahilig magpaikot at plastic ka!
Oh teka?
Diba nakailang jowa ka na?
Sino naman yang bago mong kasama?
Lalake pero bes ang tawag mo.
Naaamoy ko yung halimuyak at bango
Halimuyak ng tinatagong kalandian mo.
Di rin naman magtatagal nyan magiging kayo…
Alam moba kung bakit alam ko?
Kasi nga naging kaibigan kita kahit papaano.
Dati tinanong mo kung bakit sya ang kinampihan ko samantalang kilalang kilala na kita simula mga bata tayo.
At ang sagot? Kinampihan ko sya kasi nga kilalang kilala kita..
Kilalang kilala ko na ang totoong ikaw, gag* ka.
Oh sya, hanggang dito nalang yung pagsisiwalat ko ng mga baho mo.
Sige hanggang sa susunod nalang na magkikita tayo..
Paalam na bes ko…

-Kuya_Ian

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon