ADIK
ni: Kuya_Ianpagkagising na pagkagising sa umaga,
walang hilahilamos sa mukha,
mata'y nagdidikit pa sa mga muta,
laway may ay naglalawa pa,
isang bagay pa rin ang laging ginagawa.pagkagising na pagkagising sa umaga,
walang hilahilamos sa mukha,
mata'y nagdidikit pa sa mga muta,
laway may ay naglalawa pa,
isang bagay pa rin ang laging kinukuha.Alam mo ba kung ano iyon?
isang bagay kung tawagin ay 'cellphone'
siguro nga ay matatawag na akong adik doon,
kung sa bawat pagkagising ko ay hinahanap hanap ko,
kung sa bawat pagcharge ko at hindi ko hawak ito
ay lowbatt din ako,
kung sa bawat pagsaksak ko ng charger at ginagamit ito,
ay tila ba may itinuturok din ako sa braso ko,
kung sa bawat pagchat ko,
e, parang kaharap ko lang ang kausap ko,
ngunit ang talagang kaharap ko
ay nababalewala ko,
pero ewan ko ba kung bakit ganito ang nararamdaman ko,
bakit sa cellphone adik ako,
at adik din sayo,
pero mas adik ako sa telepono,
ikaw anong kinaaadikan mo?
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento