KABATAAN

143 6 0
                                    

KABATAAN
ni: Kuya Ian

Kabataan? Pag-asa pa rin nga ba ng bayan?
Kung sa bawat lumalabas sa bibig ay puro paratang?
Kung sa bawat kaibigan, may iisang kanormalan?
Kung sa bawat exam, may kinokopyahan?

Kabataan? Aasa pa ba sa atin ang bayan?
Kung sa bawat iniisip ay purong kabastusan?
Kung sa bawat away, paghihiganti ang inaasam?
Kung ang bawat salita ay puro paninira?

Kabataan? Pag-asa pa nga ba tayong maituturing ng sambayanan?
Kung sariling kalat natin ay hindi natin mawalisan?
Kung sa bawat luhang pumapatak kay Inang bayan ay hindi natin mapunasan?
Kung sa bawat dugo na umaagos kay Inang bayan, walang naglalanggas sa puso nyang sugatan?

Kabataan? Pag-asa pa nga rin ba tayong maituturing ng mga mamamayan?
kung tayo mismo ay hindi alam ang bayanihan?
kung tayo mismo ay walang pagkakaintindihan?
matatawag pa ba tayong pag-asa kung puro ganito at ganyan na lang?
Kung sa bawat utos ay mamaya na lang?
Kung sa bawat kamalian, ang sisi ay sa magulang?
Kung sa bawat hapunan, namimili ng ulam?
Kung sa bawat bagay, ang kuntento ay hindi matutunan?
Kung sa maraming bagay, tingin mo sa sarili mo ay tama pero napupuno ka na ng kamalian?
Kung sa bawat bagay na ginagawa mo, ipinagmamalaki mo kahit mali naman?
Matatawag ka pa nga bang pag-asa ng bayan?
Hindi na, malamang sa malamang.

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon