"BESTFRIEND-ZONE"
Spoken Poetry
-Kuya_Ian
Nung unang kita ko sayo alam ko nang magiging close na tayo
Nag bibiruan, tampuhan at kung ano ano.
Kaso biglang may nagbago..
Nagbago yung ihip ng hangin at nabago yung dating tayo.
At di ko masabi sayo..
Masabi yung totoong nararamdam ko.
Mahal kita
Mahal kita bestfriend, kay tagal na.
Di ko maamin kasi baka lumayo ka sa piling ko
Baka sakaling iwan mo ko.
Di ko alam sa sarili ko kung talagang may sumpa ako
May sumpa na mahalin ang bestfriends ko
Naaaninag ko na sanang may pag asa pa ako
Kaso may pinagtapat ka sakin.
Pinagtapat yung totoo mong lihim.
Boy bestfriend to gay bestfriend real quick
Akala ko pagtapos nun lahat ng meron sa atin ay babalik
Pero hindi...
Hindi na bumalik yung tayo dati.
Yung harutan at yung mga panlilibre.
Hindi ko na alam kung ano na nga ba ang nangyayari.
Wala na...
Alam kong di ko na maibabalik pa.
Maibabalik yung pinagsamahan nating dalawa.
Sana patawarin mo na ako...
Ako nalang ang lalayo para sayo
Patawarin mo sana ako sa nagawa kong to.
Mahal kita bestfriend ko
Alam ko hanggang bestfriend mo nalang ako.
Paalam at ito na ang huling mensahe ko sayo.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento