Make Life Easy

78 5 0
                                    

Make life easy.

At sa paulit-ulit na pagdaan ko sa kuwarto mo at sa paulit-ulit na pagtitig ko sa pintuan mong may nakapaskil na malaking poster na may nakasulat na qoutes na lagi mong sinasabi kapag may problema ako, "Make life easy," ay ngayon ko lang nakita na bahagyang nakabukas ito...

Hindi mo naman madalas iwan ang pinto mong nakabukas lalo na tuwing naroon ka sa loob kaya tuluyan ko itong binuksan at nakita kitang nakasabit sa kisame...

Minadali ang buhay mo.

-Kuya Ian

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon