Ni: Kuya Ian
Mahirap pala na magmahal,
Mahirap pala ang umasa ng matagal,
Ang hirap pala nakatitig lang lagi sayong larawan,
Ang hirap pala, 'di ko na maintindihan.Alam kong 'di pwede to,
Alam kong 'di maaari na magkaroon ng 'tayo'
Hanggang sulyap na nga lang ba ako sayo?
Laging tanong na sumisirko sa isip ko.Isang araw lumapit ka sa akin,
Narinig ko na lamang ay "pwedeng makipagkaibigan? "
Pero ang isasagot ko na patanong sana ay ang "miss, pwede ka bang maging akin ka na lang? "
Pero ang naisagot ko sayo ay "oo ba! sige kaibigan! "Hindi ko alam kung anong meron ka,
Na sa akin ay nagpalambot ng bigla,
Sabi sa kanta,Pero parang may mali,
Kasi imbes na lumambot ay tumitigas na pala
at hindi ko alam at nahulog na nga
at sa tigas ay rumupok na lang bigla
pagkahulog at ang sumalo ay walasapagkat naghintay ako ng matagal na panahon,
Kasi akala ko hindi pwede ating relasyon,
Pero bes, pwede naman pala yon!
Kasi nakita ko kayo ng babaeng kaibigan ko na magkasama at masaya kayo noonpero bakit ganon?
Oo babae ako at babae ang gusto ko.
Pero hindi ako gusto ng gusto ko.
Parang may mali na 'ata sa mundo
at walang mali sa pagkatao ko.( suggest kayo ng pamagat)
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoesiaHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento