TIGYAWAT

119 4 0
                                    

TIGYAWAT
ni: Kuya Ian

ang sabi nila
kapag tinigyawat ka raw ay umiibig ka na
ngunit bakit sakin ay tila dumarami na?
siguro tama sila,
oo umiibig ako at maraming beses na
pero ang mga taong 'yon tandaan mo ay laging iisa
ikaw lang wala ng iba.

dumarami na ang tigyawat ko
tila inookupa na nila ang bawat espasyo
parang sinasakop na nila ang buong mukha ko
gaya mo
unti-unting ang bilang ng alaala nating magkasama
ay kinakain na ako
ayun tuloy nasakop na ako
at ikaw na ang naging sistema ko.

pumuputok na naman tuloy ang tigyawat ko
tumutulo na naman ang dugo
sana ay mamatay na ito
gaya ko
na patay na patay sa'yo
tumutulo na naman ang pulang dugo
singpula ng rosas na nais kong ialay sa'yo
at sana lumabas ka na
ang aking mumunting nana--
ang NANAisin ko hanggang sa dulo ng aking hininga
at sana magaya ka na kapag humilom na ang sugat ng tigyawat sa aking mukha
ay magmamarka ng lalim
at ipakita mo rin sa akin ang lalim ng pag-ibig mo sa akin.

at kahit ikaw ang tagyawat ko,
asahan mong kaya pa rin kitang iharap kanino
hindi dahil sa ikaw ang unang makikitang tao
kundi dahil sa ikaw ang tanging bagay na sobrang pinaghirapan para makuha ko.

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon