BILANGGO
ni: Kuya_IanBibilang ako,
Bibilangin ko ang mga araw na gusto kong magpa-rehas sa bisig mo,
Bibilangin ko ang mga hapong nag-iisip na sana parehas ang ating gusto,
Bibilangin ang mga gabing nais kong mahawakan ang malamig na rehas ng pagmamahal mo.
Nais kong maging bilanggo ng sariling pag-ibig mo.
Nais kong magpatali sayo
Pero naalala ko ikaw pala ang may hawak ng susi
para buksan ang posas na sa akin ay nakatali
At pinipilit mo na pala akong palayain
Hindi ko man lang sukat akalain
Sisimulan ko na ang pagbibilang natinIsa,
Isang araw napagtanto ko,
Isa lang pala akong bilanggo,
Isa lang pala akong preso,
Isa lang akong taong nakakandado sa loob ng puso mo.
At hinding hindi ko kailanman ginusto,
Na magkaroon ako ng kahati sa espasyo sa loob nito,
Ayos lang naman sa akin ang minsan mapag-isa,
Lalo na sa isip at puso ng aking sinisinta,
pero mahal ko,
Ninlalamig na ako rito,
Ninlalamig na ako sa pag-iisa ko,
Kasi kahit kailan, hindi mo naman ginusto ang makasama ako.Dalawa,
Dalawang gabi na akong hindi makatulog,
Dahil sa gabi-gabi akong nahuhulog,
sa tuwing naaalala ko ikaw, e biglang kumakalabog,
etong maliit na bagay sa aking dibdib,
hindi sa sobrang bilib,
kundi sa pagnanasa sa 'yong yakap at mga halik,
etong maliit na pusong nandito sa dibdib ko,
e natutuksong palayain ka, hindi dahil sa gusto ko,
Kundi dahil sa gusto mo,
kundi dahil sa nais mo,
Na lumaya at makahanap ng bagong tao na gagawin mong mundo.Tatlo,
Sa tatlong pagkakataong nagtiwala ako,
E tatlong beses mo rin pala akong niloko,
Tatlo pala tayo sa relasyong akala ko'y para lang sa dalawang tao,
Mali pala ang akala ko,
Nakakamatay pala talaga ang akala,
Akalain mo 'yon patay na patay ako sa'yo,
Pero patay na patay ka sa ibang tao?
Murder man kung tawagin na nagkapatayan tayo,
Pero martir naman kung matawag ako, noong nagkandaloko-loko na tayo.Apat,
Hindi pa ba sapat,
Na ginawa ko na ang lahat-lahat,
Ipinagmayabang naman na kita sa lahat,
Binigay ko naman ang lahat,
Kahit alam mo sa sarili mo na ako mismo ay salat,
na ang tingin ng iba isa lang akong kalat,
Kaya nga't natuwa ako noong dumating ka,
dahil pinilit mo akong makuha,
Noong mga panahong nakatambak at nakasilid lang ako sa basurahan at ang tingin ng iba ay isa lang akong basura,
sabi ko nga e, mali lang talaga ako ng akala,
kasi nga,
pinulot mo man ako, pero tinapon mo lang din ako sa tinatawag mong 'tamang basurahan'
at doon na nga ako naguluhan,
minahal mo man lang ba ako kahit kailan?Lima,
Limang salita
Ayaw mo na ba talaga?
Mahal na mahal pa naman kita
Pasensya na talaga kung ayaw mo na
Ako na mismo ang magpapaalam sayo,
Kahit ikaw yung dumurog nito,
Kahit ikaw ang sumira sa kawawang puso ko,
Nang minsang magseryoso si 'ako'
Dahil sa nakakita ng pag-asang magkaroon ng 'tayo'
Pero ikaw din mismo ang bumulag sa mata ko,
para hindi ko na masabing may nakikita pa akong posibilidad at pag-asa sa pagitan ni 'ikaw' at 'ako'.Nabilang ko ang bilang na nabilanggo ako sa'yo,
Nabilang mo rin ba ang nabilanggo ng pekeng pag-ibig mo?
Pero teka, bakit nga ba ako nagpapabilanggo sa iisang tao lang?
E ang dami-dami namang iba d'yan?
Hindi ko na rin maipaliwanag ang nararamdaman,
Dahil ako mismo nabihag at nabilanggo ng sarili kong isipan.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento