IBON
ni: Kuya Ianisa akong ibon na walang laya
isang ibon na nakagapos na nga ang mga paa
e, nakakulong pa sa hawla na walang pintuan o bintana
isang mumunting ibon na pati ang paghuni ay ipinagbabawal
na kahit anong pilit ay hindi masira ng tuka ang kulungang bakal
isa akong ibon na imbes na hayaang tumubo ang pakpak
ay pilit binubunot at kapag oras na sa paglipad
at bigla na lang akong lumagapak
ay tinatawag na isang malaking palpak
isa akong ibon
na hindi alam ang kung paano ang paroon
sapagkat lahat ng bagay ay nabibigyan ng limitasyon
ni hindi alam kung ano ang kaya ko
naging limitado ako
hanggang dito lang ako
nasayang ang kakayanan ko
inubos ng pilit ang balahibo ng pakpak ko
upang hindi raw ako mapunta sa peligro
ngunit ang paglayo pa nila sa akin sa peligro
ay baka s'ya pang sanhi ng pagkamatay koisa akong ibon na hindi marunong magpatangay at lumipad sa ere
isa akong ibon na baka ang hindi pagkatuto sa paglipad ang ikasisi ko sa huli
sapagkat sila nga ang laging tama at ako ang mali
tama sila na huwag akong turuan sa paglipad upang malayo sa disgrasya
at mali ako dahil hindi ako natutong lumipad mag-isa kahit ayaw pa nila.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento