ULAN

84 4 0
                                    

Lumabas ako ng bahay at nagpabasa sa ulan, hawak ang isang baso.

Hinintay kong mapuno ang basong hawak ko, at sa bawat paghina ng pag-iyak ng kalangitan ay unti-unti akong nawawalan ng pag-asa.

Kailan kaya mapupuno ang basong hawak ko?

Kailan kaya matitimpla ng langit ang gatas na nasa basong tangan ko, para makabalik na s'ya sa piling ko?

#LoveThatProtects
-Kuya Ian

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon