PARA SA TAONG 'DI AKO GUSTO
ni: Kuya IanHindi ko alam bakit
sa dinami-rami ng pagkakapareho nating dalawa
e bakit ang puso natin ay hindi magtugma?Hindi ko alam kung bakit
sa dinami-rami ng pwedeng pakahulugan ng mga galaw mo,
e mukhang tayo pa ang salungat sa diksyunaryo ng buhay mo?Hindi ko alam kung bakit
sa dinami-rami ng tao sa mundo
at ako ang nasa harapan mo
e, hindi mo pa makita ang halaga ko?Ilan ba ang grado ng mata mo?
Farsighted ka ba katulad ng iba?
sapagkat heto na ako at pilit kong sa iyo ipinadarama ang damdamin ko
pero s'yang laging nasa kalayuan ang pinili mo
at mas nakikita mo.Para sa taong 'di ako gusto---
para sa'yo,
pasensya na sa'yo,
at pasensya na sa sarili ko,
mukhang hindi "tayo" ang nakasulat sa libro na ginawa ni tadhana mismo.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PuisiHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento