BAKA LANG NAMAN

402 16 0
                                    

"BAKA LANG NAMAN"
Ni: Kuya_Ian

Uy! Baka naman?
Baka lang naman pwede nating ibalik 'yong nakaraan,
Pwede ba?
O baka bawal na?

Uy! Pwede ba?
Pwede ba na maibalik natin kung ano tayo noon?
Baka lang naman?
O baka sa puso mo may iba ng laman?

Uy? Di na ako sigurado sa aking nararamdaman,
Puro "baka" na naman,
Nagdadalawang isip kung bakit ganto?
nais kong maglakbay pabalik sa nakaraan,
kung saan nandoon tayo't puno ng pagmamahalan,
ayaw ko na rin kasi dito sa kasalukuyan,
matapos kong malaman na hindi pala tayo sa isa't isa—
tadhana, tayo lang ay pinaglaruan.
at nakakasiguro na rin kasi ako na wala na rin akong patutunguhan,
nakakasiguro akong pangit na rin ang magiging kinabukasan.

Uy! Baka naman...
Baka lang naman...
Baka naman puwedeng maibalik natin 'yong nakaraan...
Pipilitin ko lang iliko ang "tayo" bago mahulog sa bangin ng katapusan.

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon