KALAYAAN
ni: Kuya Iangamit ang panulat ni Pepe
ay naghimagsik ang tinta sa papel ko't sumulat ng mga kataga
at gamit ang mga bolo ni Andres ay itinaga
ngayo'y naging peklat sa kasaysayan ng bansana ang mga dayuhan ay minsang hawak ang isang puting bandera
na minsang naging atin
at pilit sa ating ipinagkakailahindi ba't mahirap isipin
na kung ano ang dating atin
ang s'yang kinukuha
at pinipilit agawin ng iba?hindi ba't ang sakit isipin
na kung saan ka ipinanganak
ay doon ka pinagsasasaksak
at doon ka mismo siilin?hindi ba't masakit alalahanin
na kung saan ang bayan mong sinilangan
ay itinuring kang mamamayan
ngunit mamamayan ng isang malaking kulungan?hindi ba't masakit balikan
na ang kalayaan
ay makikita mo lang na hawak ni inang bayan
kapag sinubukan mong tumingin sa nakaraan
pero sa librong ito ay biglang bumaligtad at hawak na ng ibang tauhan?hindi ba't masakit sa pakiramdam
na kailangan pang ang mga bayani natin ay lumaban
para sa isang bagay na atin naman?hindi ba't masakit bilang anak ni inang bayan?
kaya't gamit ang panulat ni Pepe
ay naghimagsik ang tinta sa papel ko't sumulat ng mga kataga
at gamit ang mga bolo ni Andres ay itinaga
ngayo'y naging peklat sa kasaysayan ng bansa
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento