DYIP

97 6 0
                                    

DYIP
ni: Kuya Ian

manong, sana alam mo kung gaanong ang tagal ko sa paghihintay ng dyip mo ay nakaubos na ng milyon-milyung pawis ko sa katawan?
tapos hindi ko mapapansin kapag bigla mo na lang akong hinintuan ay bigla na lang akong mauunahan?

manong, sana alam mo kung gaanong ang tagal ko sa paghihintay ko sa'yo
ay nakaipon na ako ng limampung higab sa paghintay ko lang sa'yo?
ngunit noong nar'yan ka na't bigla na lang akong hinintuan,
manong, bakit?
bakit gusto mo pa akong sumiksik
sa dami ng taong nakikisakay sa dyip mo?
o ipinagmamayabang mo lang na mayroon ng pumalit sa paborito kong pwesto sa dyip mo?

manong, sana alam mo ang pakiramdam ko noong huminto ka sa harap ko,
at iba ang nasa front seat na katabi mo,
oo, manong nasaktan ako,
hindi literal na tungkol sa dyip itong kwento pero tungkol ito sa ikaw at ako
at ikaw ang tsuper ng dyip
at ako ang pasahero.

sana natatandaan mo noong sumakay ako sa tabi mo
at nag-abot ng bayad sa'yo
at naghintay ako ng matagal pero hindi ko lang pinaramdam sa'yo
pero manong malapit na ang bababaan ko
ayaw ko man sanang umalis sa tabi mo
ngunit manong hanggang dito na lang talaga tayo,
at ano nga ba 'yong hinihintay ko?
ayy oo,
ang sukli ko,
ang hinintay kong sukli mo sa pagmamahal ko,
pero wala na,
hindi ko na nahingi dahil ikaw mismo,
ang huminto rito
sa katapusan ng paglalakbay ng 'tayo'

"manong, hanggang dito na lang ako,
hindi ko na makakayanan kung ipagpapatuloy pa natin 'to. "

dahil kahit na nandito na ako,
sa loob ng dyip mo,
sa loob ng puso mo,
mas pinili mo pa rin ang maghanap ng ibang pasahero,
kaya heto kami ngayon, siksikan na rito.

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon