MAHIRAP UMAMIN KAY TITA

150 6 0
                                    

Mahirap umamin kay Tita
ni: Kuya_Ian

Mahirap aminin kay Tita,
Mahirap sabihin sa kanya itong nadarama,
Paano ko ba ipapadala,
Itong mensahe nating dalawa?

Mahirap umamin kay Tita,
Hindi sa may gusto ako sa kanya,
Ang hirap umamin sa kanya,
Na gusto ko ang prinsesa nila.

Paano ko ba ipaparating?
Na may gusto ako sa prinsesa kung nila ay ituring?
Paano ko sasabihin kay Tito?
Kabado ako..

Paano kung malaman nila ang mayroon sa ating dalawa,
Talagang ikinagalit nila,
Pero paano ko aaminin sa kanila?
Na gusto natin ang isa't isa?

Kabado, nanginginig, tuliro,
Paano ko sasabihin sa magulang mo?
Paano kung aamin na ako?
Paano ko aaminin na mahal kita at mahal mo ako?

Paano?
Paano?
Paano?
nalilito na ako
hindi ko na alam kung paano makakaamin kay tita at kay tito.

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon