PULA

79 4 0
                                    

PULA
ni: Kuya Ian

hindi ako sabog sa ipinagbabawal na gamot
ngunit ang dahilan ng pagkapula ng mga mata ko ay ang pagkalungkot
at ang pagkalugmok
at hindi ko mapigilan ang manginig
hindi dahil sa maikli ang pula kong kumot kagabi
kundi dahil hindi ko mapigilan ang paghikbi
hindi dahil sa sugat na ipinatong ko sa isa ko pang sugat kaya ako umiiyak
kundi dahil sa sugat na kahit hindi ko pa pinapatungan ng isa pang sugat ay matagal ng masakit
at kaya ko lang naman naisip na patungan ng isa pang hiwa ay para gumaling agad
ngunit mali ako
mali na naman ako
sapagkat ang sugat ko na pinatungan pa ng sugat ay hindi agad natuyo
sapagkat lalo pang umagos ang pulang likido
pero habang tumatagal ang pag-agos nito mula sa balat ko
ay nararamdaman ko na kailangan ko na lang namnamin ang sakit
para ako mamanhid
kaya't para mamanhid ang buong katawan ko
gumawa na lang ako ng sarili kong hukay na sakto sa balangkas ng katawan ko
eksaktong eksakto na malalaman mong ginawa talaga para sa akin mismo
at para mamanhid pa lalo ang katawan ko
ay kumuha ako ng pulang rosas
hindi para tusukin ang sarili ko
kundi para itabi malapit sa dibdib ko
at ipipikit ko na ang mga mata ko
para mamanhid ako
at mamanhid ako sa mundo.

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon