MALAS

96 10 0
                                    

MALAS
ni: Kuya Ian

Nahulog ang sabon habang naliligo ako
Nadulas ako sabay napaupo
Kamalas-malasan nga naman ito,
Pero ang madulas at mahulog ako sa'yo malamang swerte na ako.

Nahulog ang sabon habang naliligo ako,
'pag tayo ko ay nauntog ako,
Kamalas-malasan nga naman ito,
Pero ang mauntog at magising sa katotohanang nahulog ka rin sa isang tulad ko,
at may pag-asang maging tayo,
Malamang sinuswerte nga ako.

Nahulog ang sabon habang naliligo ako,
'pag sabon ko e, nasabunan ang mga mata ko,
minamalas nga naman ako,
ngunit ang malaman kong hindi malabong sa akin ay mayroon ka ring gusto,
sinuswerte nga ako.

nagtuwalya na ako sabay bihis sa kwarto,
hindi maipasok ni mailabas ang ulo sa damit na napili ko,
minamalas nga naman ako,
ngunit ang malaman kong pilit mo akong pinagkakasya sa puso mo,
Aba'y swerte nga ako.

humiga ako at nagpahinga,
hanggang sa nauntog na naman ako,
at nagkabukol ako,
minamalas nga naman o!
pero ang malaman kong nand'yan ka, ang yelong magpapagaling sa bukol ko,
swerte nga ako.

Buong araw nag-isip kong bakit minamalas ako,
napanganga ako,
hanggang sa may pumasok na langaw sa bibig ko,
kamalasan naman o!
pero ang malaman kong and'yan ka,
ang magbibigay ng tubig parang ipangmumog ko,
aba'y swerte nga ako.

Hanggang sa naisip ko,
anong petsa na ba sa kalendaryo,
sumilip ako,
byernes, abril, ika-labingtatlo,
malas nga naman ako ngayong araw na ito
pero masaya ako na sa lahat ng kamalasan ko,
sa'yo bukod tanging sin'werte ako.

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon