ANG UNANG BABAENG NAGPATIBOK NG PUSO KO
ni: Kuya IanHeto ako gumagawa na naman ako ng isang akda
at oo, tama ka
tungkol na naman ito sa isang babae
ang unang babae
na nakakita sa una kong pag-iyak at pagngiti,
sa una kong pagtawa at paghikbi
sa una kong lakad at sa una kong takbo
sa una kong paghagulhol at kinailangan ng payo
sa bawat umagang unang pagdilat ng mga mata ko
ang unang babaeng sinabihan ko ng I love you
sa unang babaeng napaiyak ko sa mga kasalanan ko
sa unang babaeng naniwala sa kakayanan ko
sa unang babaeng nagpakita ng pagsisikap sa akin
sa unang babaeng nag-alok ng pagkain
sa unang babaeng nagpakita na ang lahat ng bagay ay kaya kong gawin
s'ya ang unang babae na inalayan ko ng puso ko
ang unang babaeng nakaya kong mahalin
na hindi ako nasasaktan
ang unang babaeng minahal ako kahit hindi ko ligawan
ang unang babaeng nagbigay sa akin ng kaliwanagan
ang unang babae na nagbigay ng ngiti sa aking mga labi
ang unang babaeng nagpatahan sa bawat kong paghikbi
ang unang babaeng pilit akong kinukumutan sa kumot na maigsi
na imbes na ang unahin ang sarili
sa panlalamig ay mas inuna pa ako
ang unang babaeng nagpatuyo sa basang unan ko
ang unang babaeng pumunas ng mga luha ko
ang unang babaeng nagturo sa akin ng lahat ng kaalaman ko
ang unang babaeng mamahalin ko
dahil sa simula pa lang ay s'ya na ang nagpatibok ng puso ko
Mahal na mahal kita, ina koHindi man ako madalas na magpahatid ng pagmamahal ko
ngunit sana ay maramdaman mo
rito sa akdang isinulat ko
ang pag-ibig ko sa'yohindi ko man maipakita sayo
sana ay maramdaman mo rito
sa mga letrang ibinubuga ng bibig kohindi man ako ang perpektong anak para sa'yo
ikaw naman ang perpektong ina sa mundoikaw na mismo ang may sabing hindi ka tumatae ng pera
ngunit di ko alam kung saan ka kumukuha ng pagmamahal at pagtatyaga
sa sobrang dami mo nang naipakitalagi mo man akong sinisigawan ng kakain na o kaya'y maligo na
ay ikaw naman ang isinisigaw ng puso ko
at busog na ako sa pagmamahal mo
at lunod na rin ako sa pag-aaruga mosa pagdaing mo ng bawat sakit mo sa katawan,
pasensya naman ma
hindi ako masahista
pero kaya kitang patawanin
para lang mapawi ang mga pasaninlagi ka mang pagod sa trabaho
ma, babawi ako
not now but soon
syempre sa pagtanda ko
ipaparanas ko ang hindi pa nararanasan ninyokaya ma, itatak sa isipan mo ito
na akong anak mo
ay sumasaludo sa'yo
mahal na mahal kita
ikaw na ang pinakaperpektong ina
sa mata ko at sa mata N'ya.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento