Kung ako'y mag-aasawa
Ang pipiliin ko'y ano?
Ang pipiliin ko'y ano? —
Ano nga ba?Naghahampasan ang mga tingga
na ginawang maliliit na kampana
sa orasang nasa tabi ko
hudyat para buksan na ang mata
at dumiretso sa banyo
magkuskos ng libag gamit ang panghilod na bato
saka pagkatapos ay isusuot na ang pantalon at bagong biling polo
saka kakain at saka magsisepilyo
isusuot ang bag saka magsasapatosSaan nga ulit ako papunta?
Hinila ako ng mga paa
papunta sa isang lugar na maraming mga batang nakagayak
may iilang umiiyak
siguro ay unang araw pa lamang nila
hindi nga ako umiyak ngayong unang araw ko
pero iiyak na sana ako kaso...
lalake akobigla ko tuloy naalala...
ano nga ulit 'yon? teka teka teka...
makakalimutan na talaga ako
basta balik na lang tayo doon sa ano—
sa paglalakad ko sa gitna ng mga kabataan
pinagtitinginan, may nagtatawanan, may nagtsitsikahan, may parang wala lang
pero may iilang nakikipagbatianSaka tumunog ang nakakarinding tunog
na gaya ng naririnig ko tuwing umaga na itinitilaok ng orasan ko
hudyat para pumasok na sa isang mumunting kwarto
hawak-hawak ang ipinapabitbit sa akin na mga libro at yesosaka nanahimik ang lahat
parang nakakita ng multo, mga mukha nila'y gulat
maraming papel na nagkalat
mga langaw na sumasabay sa papel na eroplanong lumilipad
mga pobreng mukhang sumalo ng malalapad na palad
mga kalaswaang makikita mo sa pisara na nakasulat
mga buhok na akala mo'y tinamaan ng kidlat
may mga nanlilimahid ang balatngunit sa kabila ng lahat...
nanahimik ang lahattumayo, humarap at tumingin sa akin sabay-sabay na binuka ang mga bibig
"Magandang Umaga Mr. Di Inibig.""Okay class, may assignment ba tayo for today?"
Kung ako'y mag-aasawa
Ang pipiliin ko'y ano?
Ang pipiliin ko'y ano? —
Ano nga ba?Isang guro na mas inuuna ang kapakanan ng mga bata
kaysa sa pag-aasawaIsang guro na nakakalimutan na ang sarili pati mga pinagawang assignments
'wag lang ang kan'yang mga students.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoesiaHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento