IBA PALA ANG HANAP

202 9 0
                                    

"IBA PALA ANG HANAP"
~Kuya_Ian
SpokenPoetry
😂😂😂
Mahal kita,
Mahal kita na halos kaya ko ng magpakatanga at magbubulagan dahil doon ka sasaya.
Mahal na nga kita,
Bukambibig at laging nasa isip ko ay ang maganda mong mukha
Dahil sayo nagbabago ako,
Nagbago yung dating gago at nagiging masipag na ako.
Alam mo ba?
Ikaw yung inspirasyon sa bawat kwento ko at tula
Ikaw yung nagiging mitsa para ako ay gumawa,
Gumawa ng mga bagay na madami ang maiinspired at matutuwa.
Ikaw nga yung tinutukoy ngayon habang ako ay nagdadrama.
Pero di pala ako yung nagpapasaya sayo.
May iba kang mahal at yun ang totoo ngunit inilihim mo.
Inilihim mo sa akin na dati'y tampulan mo ng mga sikreto at kalokohan mo.
Magagawa ko namang tanggapin kung may mahal kang iba pero naguguluhan din ako sa nararamdaman ko kung selos ba ito o kung ano ba talaga?
Kasi mahal kita kaso ang mahal mo ay BABAE rin pala.
Akala ko ikaw na,
Ikaw na yung makakasama hanggang pagtanda.
Yung tipong magbabasa ng kwento sa mga apo nating kay babata pa.
Pero nawala na,
Nawala na yung mga plano ko habang tayo ay magkasama.
Mamili ka! Yang babae mo o ako na lalakeng nagmamahal sayo?

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon