"PARA SA HINDI MAKAKABASA"
Ni: Kuya_IanGumawa ako ng tula para sayo,
para sa babaeng 'di makakabasa nito,
para sa babaeng bulag ang puso,
nahulog hindi sa itsura kundi sa kung sino ako.Gumawa ako ng tula para sayo,
para sabihing bulag ang pag-ibig para sa tulad ko,
ngunit parang kabaliktaran kung sasabihin ko,
na na-love at first sight ako.Gumawa ako ng tula para sayo,
para sa bulag na tulad mo,
pero sana hindi ka bingi't nagagamit ang tenga mo,
nang malaman mong ikaw ang sinisigaw ng puso ko.Gumawa ako ng tula para sa hindi makakabasa,
bulag hindi ang mga mata,
kundi bulag sa larangan ng pagsinta.Sa tingin mo para sa iyo ba itong tula?
pero paano mo nababasa?
kung para nga ito sa hindi makakabasa?
siguro hindi mo lang alam na bulag ka nga,
hindi sa paningin, kundi sa pagsinta.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PuisiHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento