PAPALAPIT NG PAPALAPIT

133 8 0
                                    

ni: Kuya Ian

Papalapit na ng papalapit
Paulit-ulit, paulit-ulit
Paulit-ulit sinasambit,
Kahit sino pa ang pumilit,
Di ka ipagpapalit.
Kahit ano pang init,
Ang ibigay nila sa'kin,
Ikaw pa rin ang paulit-ulit,
Na magbibigay ng lilim sa akin,
Kasi ikaw,
Ang pinakamalapit,
Sa puso kong ikaw,
Ang paulit-ulit,
Na sinisigaw, tanging 'ikaw'
Oo, corny man pakinggan ang mga salitang napili ko,
pero masaya na ako kasi ikaw ang pinili ko.
corny man pakinggan ang mga salitang napili ko,
Masaya na ako kasi ikaw yung nasa piling ko.
Bukod akong pinagpala,
Kasi nagkaroon ng 'tayo'
'swerte ko sayo' lagi kong sinasabi,
Dahil sa sobrang ganda, sipag, mabait at magandang katangian mo, wala na akong masabi.
Ikaw yung babaeng nagturo sa akin kung paano ba talaga ang magmahal,
kasi ikaw lang naman yung babaeng bukod tangi kong minahal.
cheezy man kung masabi ang mga linyahan ko,
Pero sa puso ko, ikaw lang nakabukas sa pintuan nito.
Hanggang dito na lang muna 'to,
Basta tandaan mo,
Hanggang dulo,
Magkakaroon pa rin ng 'tayo'

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon