Hindi naman ako mananakit, manunulat lang.
ni: Kuya IanHindi naman ako tulad ng iba,
Na manakit ay ginawang libangan na,
Isa lang naman akong manunulat,
Na tatagpi sa iyong nasirang reyalidad.Hindi naman ako tulad ng iba,
na ginawang panligo ang luha ng iba,
Isa lang naman akong may-akda,
pluma lang ang aking pinaluluha.Hindi naman ako gaya ng iba r'yan
na gagawin ka lang panakip-butas,
isa akong manunulat,
at ako ang gagawa ng pamalit sa nasira mong bukas.Hindi naman ako tulad ng iba,
na pumupunit ng puso ng kababaihan,
isa lang naman akong manunulat,
papel lang nilalamukos at pinapalitan.Hindi naman ako tulad ng iba,
na nagsasabay-sabay ng dala-dalawa,
Isa akong manunulat,
Sinisikap ang iisang akda,
Mahirap kaya ang doble-dobleng isinusulat na gawa.Hindi naman ako tulad ng iba,
na puro lang mabubulaklak na salita,
Isa akong manunulat,
Salita ang bubuhay sa ating dalawa.Hindi naman ako tulad ng iba,
na uululin ka lang,
ako ay isang hamak na manunulat lang naman,
bubululin ka lang gamit ang mga salita.Hindi naman kasi ako mananakit gaya ng nasa tabi-tabi r'yan
Manunulat lang.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento