Agik! Anong ginagawa mo?
ni: Kuya IanNasaan ka mahal ko
noong mga panahong nangangailangan ako ng kalinga mo?
at tila ngayon naghahabol ka na't nagkasalungat ang ating mundo,
Agik! Anong ginagawa mo?Mahal ko!
nasaan ka noong mga oras na nahuhulog na ako sa'yo?
and'yan ka nga ngunit ayaw sumalo,
agik! ano nga ba ang ginagawa ko?Nakatitig ka lamang sa lugar na pinagbagsakan ko,
tinatanong kung ano ang ginagawa ko,
ngunit hindi mo man lang tinanong kung ayos lang ako, kung sobrang nasaktan ako,
agik! anong ginagawa mo?!Nabasa tuloy ako sa sapa,
na mata ko mismo ang lumuha,
at muntik na akong malunod sa aking pagnanasa na mapasaakin ang isang tulad mo,
agik! ano ba kasi 'yang ginagawa mo?bakit ka ba kasi nagka-cutting?
kating-kati ka na ba sa pagputol sa kung ano man ang ugnayan natin,
matanong ko lang, mahal ko
agik! ano ba kasi ako sa'yo?
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento