AYAN NA ANG REYNA...

243 14 2
                                    

" Ayan na ang reyna... "
Ni: Kuya_Ian

Ayan na ang reyna,
Dalaga na 'raw' sya.
Ayan na ang reyna,
Legal na 'raw' mga galaw nya.
Ayan na ang reyna,
Reyna 'raw' ng boyfriend nya.

Ayan na ang reyna,
Haharap sa kamera.
Ayan na ang reyna,
Bulaklak ay ibubuka
Ano ba ang nakain mo, hija?

Bidyo'y parang pulutan na sa alak,
Dapat sa una pa lang e, inalam mo na ang balak
Ngayo'y magtiis sa pait at alat,
Kakabukang pilit sa bulaklak.

Ayan na ang reyna,
Iiyak-iyak,
Ayan na ang reyna,
Nalanta ang dating masiglang bulaklak.
Ayan na ang reyna,
Haharap sa kamera.
Ayan na ang reyna nagtrending sa social media,
Ayan na ang reynang hubo't hubad kanina,
Ayan na ang reynang winalang kwenta ng hari nya,
Ayan na ang reynang ubos na ang puring natitira,
Ayan na ang reynang naghari sa pornsites at social media,
Ayan na ang reyna,
Bakit ka nagpauto sa kanya?
Ayan na ang reyna,
Di pa ba sapat ang isa?
Bakit dinamihan mo pa?
Ayan na ang reyna—
Reynang kinain ng sistema.
Ano? Magpapakain ka rin ba?

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon