SINUNGALING AKO.
ni: Kuya IanMahal ko,
Pasensya na sayo,
Nagsinungaling ako.Nagsinungaling ako
noong sabihin kong hindi ko na mahal ang isang tulad mo
dahil mahal pa rin pala kita
naguluhan ako, pasensya na.Nagsinungaling ako
noong sabihin kong hindi ako luluha
hinintay ko ang pagtalikod mo
saka binuksan ang gripong mata ko
hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng mga nakakubling nararamdaman,
pasensya na mahal.Nagsinungaling ako
noong sabihin ko
na hindi ako nasasaktan,
na hindi mo ako nasaktan,
nagdurugo ako, hindi mo lang alam.Nagsinungaling ako
noong sabihin ko
na pinapalaya na kita
kasi mali pala
ang aking akala
na roon ka sasaya.Nagsinungaling ako
noong sabihin ko
na masaya na ako
pero mahal ko
ang ngiti mo
ang nagsisilbing tuwa ko.Nagsinungaling ako
noong sabihin ko
na busog na ako
sa pagmamahal mo
pero mahal ko
nagugutom pa ako
at nauuhaw sa pagmamahal na inihain mo.Nagsinungaling ako
noong sabihin ko
na ayos pa ako
pero mahal ko
pagod na pagod na ako
nais ko nang magpahinga
pero ikaw mismo ang nagiging mitsa
para ipaglaban ko pa
kahit ang sinasabi ng puso ko "tama na!"Nagsinungaling ako sayo
nagsinungaling ako
sinungaling ako
sino nga ulit ako?
sino nga ako?
sino ako?
sino nga ulit ako sayo?isa lamang na hamak na sinungaling sa buhay mo,
na paulit-ulit sinasabing ikaw ay mahal ko.poster by: ill stencils
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento