BAWAL MAHULOG SA INTERNET

78 7 1
                                    

BAWAL MAHULOG SA INTERNET
ni Kuya Ian

Unang batas sa ngalan ng pag-ibig
'wag kang mahuhulog sa internet
'wag marupok sa hindi mo pa namimeet

'wag mong mamahalin ang taong nakita mo lang sa newsfeed mo
'wag kang magmamahal ng nagheart lang sa picture sa ig mo
'wag mong iibigin ang nagretweet lang sa mga rant sa twitter account mo
'wag na 'wag kang magmamahal ng nagview lang sa myday mo

Maniwala ka sa sasabihin ko
masasaktan ka lang

Maniwala ka sa sasabihin ko
hindi ikaw ang unang minahal n'ya

Maniwala ka sa sasabihin ko
kahit walang kayo
masaktan ka't masasaktan

Maniwala ka sa sasabihin ko
hindi mo malalaman kung hindi pa s'ya tapos magmahal sa nakaraan n'ya

Maniwala ka sa sasabihin ko
baka maging panakip butas ka lang n'ya

Maniwala ka sa sasabihin ko
baka hanggang "friends" lang talaga

Maniwala ka sa sasabihin ko
hindi mo mararamdaman kung may iba na
o wala na

Hindi mo kasalanan kung mahulog ka sa kan'ya
Pero kasalanan mo na kung hindi ka mag-iingat at makikinig sa mga sinasabi ko

'wag kang malolove at first sight sa website
'wag kang hahanap sa social media ng lovelife

masasaktan at masasaktan ka sa maraming dahilan
layo, walang maayos na komunikasyon, selos o tampuhan
at ang higit sa lahat
'yong ikaw lang ang tinamaan

'wag kang magmamahal sa Facebook,
baka hanggang friends lang talaga kayo

'wag kang maiinlove sa IG,
baka ka iwana't gaguhin

'wag kang magkakagusto sa twitter,
baka trip ka lang n'ya kasi "bird" lang s'ya.

'wag na 'wag kang magmamahal sa internet
dahil kahit handa ka pa
masasaktan ka pa rin nang paulit-ulit.

'wag na 'wag kang magmamahal sa internetdahil kahit handa ka pamasasaktan ka pa rin nang paulit-ulit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon