Isa kang lumang tugtugin na itinuro sa akin ng radyo.
Alam kong isang beses pa lamang kita napakinggan ngunit nagmantsa ka na sa tenga ko.Isa kang lumang tugtugin na itinuro sa akin ng radyo
na nagpapaalalang kahit lumain man ng panahon ay hindi mamamatay ang pag-ibig ko.Isa kang lumang tugtugin sa radyo.
Alam kong kapag natapos ka na ay hindi na kita muling mahahagkan
pero mananatili akong naniniwalang muli kitang mapapakinggan.Isa kang lumang tugtugin sa radyo.
Alam kong matagal na panahon din ang hinintay mo para tayo'y magkatagpo
Ngunit mabilis ka ring mawawala—
ilang minuto.Isa kang lumang tugtugin sa radyo.
Alam kong napakaraming istasyon ngunit nakatadhanang tinig mo ang marinig ko.Isa kang lumang tugtugin sa radyo
na kahit sa unang pagkakataon at sa huli ay pipilitin kong makabisado...dahil isa kang lumang kanta sa radyo...
ang kantang ayaw ko nang tapusin.-Kuya Ian
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento