DEJA VU
ni: Kuya Iannaranasan mo na ba iyong pakiramdam na parang umuulit na lang ang bawat pangyayari?
'yong bang ang pakiramdam ay hindi mo mawari,
'yong akala mo ay kabisado mo na ang bawat sandali,
'yong tipong akala mo alam mo na ang mangyayari sa huli?naranasan ko na kasi nang paulit-ulit 'yan
ngunit sa hindi masabing dahilan
e, paulit-ulit na lang
mukhang sumpa na hindi matanggal sa sobrang kadikitan
parang sirang plaka
na inuulit-ulit lang ang musika
gaya ng mga linya ko rito sa gawa kong piyesa
na tila nagamit ko na sa ibang akda
gaya ng mga letrang ginamit ko
na parang nagamit ko na sa ganito ring pwesto
gaya ng pwesto ng mga tala at buwan ngayong gabi
na sa ganitong hanay ko rin nakita kagabingunit noong sabihin kong mahal kita
at sinagot mo ng mahal mo rin ako
mahal? bakit hindi na naulit ang mga sandaling ito?bakit noong sabihin mong hindi mo na ako gusto
ay tila bumalik sa akin ang mga alaala ko
"parang nangyari na 'to."hindi ko alam kung may daya lang ang isip ko
at pati ang tadhana ay binibiro ako
na kung ano pa ang ayaw ko
ang s'ya pang uulit at mas malakas na pupukol sa ulo kokaya't itatanong ko sa'yo ito
naranasan mo na ba iyong pakiramdam na parang umuulit na lang ang bawat pangyayari?
'yong bang ang pakiramdam ay hindi mo mawari,
'yong akala mo ay kabisado mo na ang bawat sandali,
'yong tipong akala mo alam mo na ang mangyayari sa huli?teka teka,
parang natanong ko na to a?
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento