MAHAL KO
ni: Kuya Ianmahal ko,
pagpasensyahan mo na ako,
kung napaghintay kita sa sagot ko sa mensahe mo,
alam kong napagod ka,
kakatingin kung mayroon na akong napadala
na mensahe na nagmula sa akin,
pasensya na rin,
kung napapadalas ang pagseen ko sa mga chat mo sa akin,
ewan ko bakit ang bait mo parin,
matuto ka namang magalit sa akin,
pero para ko lang sabihin, na ikaw lang at ikaw lang din ang laman ng puso ko't ikaw lang din laging hahangarin,
ikaw lang ang gustong makasama hanggang sa pagtanda natin.
mahal ko, pasensya na kung naging gago ako,
iba ang nasa isip ko,
mahal ko, ayusin naman natin to,
gulong gulo na rin ako,
bakit ba kasi ganto pa ako?
ako nga nagsasawa sa sarili ko? ikaw pa kaya na ibang tao?
pero alam mo namang di ka iba para sa akin, dahil ikaw ang asawa ko't balang araw magiging legal din tayo, mahal ko.
alam mo ba? na sa paggising ko,
ikaw nga ang unang hinahanap ko kesa sa sariling salamin ko,
kasi alam kong oo, may kalabuan mang magkita tayo pero malinaw naman na sa akin na ikaw lang ang mamahalin ko.
pasensya na mahal ko,
pasensya na sa mga pagkakamali ko't pangako, pipilitin kong magbago para sayo prinsesa ko.
sana mapatawad mo pa ako, sanay mawala na ang di pagkakaunawan sa pagitan ko at pagitan mo,
basta't tatandaan mo, ikaw lang ang laman ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento