MANUNULOT

58 4 0
                                    

MANUNULOT
ni: Kuya Ian

Inilapat ko ang plumang hawak ko
sa isang pirasong manipis na papel at saka sumulat ako,
ngunit hindi ko alam na nagkalat pala ang tinta sa papel ko
ngunit bakit gumuhit din sa papel mo?

iginuhit ko sa papel ko ang itim na tinta na nagsisilbing kulay ng mundo ko
ngunit bakit tila naging itim na rin ang mundo mo?

isinusulat ko ang pangalan ko sa bawat papel na magamit ko,
ngunit bakit sa parehong papel e, burado na ang ngalan ko
at ang nakasulat na ay ang sa iyo?

sinamantala mo ang pagkakataong hindi nakita ng iba
na hawak ko ang hawak mong pluma
kaya ngayong mayroon ka nang sakto't kapareha
ipinagsigawan mong ikaw ang may akda.

hindi ko pa rin nakukuha,
kung bakit sa paggamit mo sa mga gamit ko nang letra,
bakit ipinagmamalaki mo pa?

kung bakit sa pagtungtong mo sa papel na carbon,
e naging isa kang papel de liha?

kung bakit sa bawat pagsulot mo,
e natutuwa ka pa sa bawat papuring nakukuha?

kung bakit ipinagpapatuloy mo pa rin ang pagiging kopya...
kahit alam mong mali ka na?

hindi ko pa rin nakukuha.

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon