"Inabuso"
Ni: Kuya_Ian
Binaboy niya ako...
Binaboy niya ang baboy na nakagawian ko,
Binaboy niya ang masamang nakaraan ko,
Kaya ito ako, nakabangon na sa sarili ko.Inabuso n'ya rin ako...
Inabuso n'ya ang kabaitan ko,
Upang sumunod sa kanyang mga panuto,
Panutong maging mabuting ehemplo.Ako ay kanyang ginahasa...
Ginahasa nya ako ng mabubulaklak na salita,
Nagahasa ang buo kong pagkatao,
Kaya ito ako, may namumuong pag-asa sa sarili ko dahil sa mga salitang binitawan nyo noong ako pa ay nalilito.Pinagmalupitan din niya ako...
Pinagmalupitan nya ako sa mga bagay na bawal sa akin,
Pinagmalupitan ako sa mga bagay na ang ginawa lamang sa akin ay akitin.
Kaya ito ako,naging mabuting tao.Pinatay nila ako...
Pinatay nila ang dating masamang ako,
At binuhay nila sa loob ko
Ang pag-asang magtatagumpay din ako.Siguro nga 'di ko na kakayanin ito,
Ang mga pang-aabusong natatamo,
Dahil sa pang-aabusong ito.
Naadik ako kay HesuKristo.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento