IDOLO

231 8 0
                                    

IDOLO
ni: Kuya Ian

Aamin ako,
Isa ako sa mga normal na sayo ay umiidolo,
Pero hindi ako 'yong tipo ng panatikong panatiko na biglang magiging stalker mo,
Umaasa lang naman ako sa newsfeed ko,
Na baka maparaan ang status mo,
At mabalitaan kong gusto mo rin daw ako,
Pero suntok na 'ata sa buwan ang pangarap ko.

Umaasa lang din ako sa newsfeed ko,
na mapadaan ang mga selfies mo,
e, ako ba? kailan ako mapapasama sa mga bagay na ikakaselfish mo?

Eto, aminado ako,
isa rin ako sa mga lalakeng nahumaling sa unang kita sa maamong mukha mo,
at kusang gumalaw ang mga kamay para pindutin ang add at follow button sa account mo,
kaya narito ako,
umidolo sa angking ganda mo,
siguro nga ay kahit 'yan ay masasabing kakayahan mo,
at baka ma-golden buzzer ka pa kung papasok ka sa pgt at ipapakita ang matamis na ngiti mo,
at baka makapasok ka pa sa semi-finals nito,
pero sasabihin ko lang, ikaw ang "final" na iibigin ko at "champion" ka sa puso ko.

Iniidolo ko nga pala 'yong mga tiktok videos mo,
ako kaya kailan kakantahin ng puso mo ang pangalan ko?
at sasayaw sa ritmo ng pag-ibig ko?

Siguro nga ay hanggang pangarap na lang ako,
Siguro nga isa ka sa mga bituin na kailanman hindi maaabot kahit anong tangkad ko,
Siguro nga isa ka sa mga magagarang damit na nakasampay at hindi maabot-abot ng panungkit ko,
Siguro nga ay ikaw ang langit habang ako ay hanggang dito na lang sa lupang tinatapakan ko.

Pero ayos lang naman ako,
Mahal pa rin kita, lodi ko.

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon