OO
ni: Kuya IanMaraming uri ng pagmamahal
sa pamilya, sa kababata at iba't ibang uri pa ng larangan
pero ako saan kayo ako mahuhulog na kategorya?
gayong nahulog na nga ako sayo pero minahal mo nga ba?
gayong kaibigan mo ako pero ang pagmamahal ko na ay pagsinta?Hindi ko naman ugaling tanungin sa isang tao kung gaano nya ako kamahal o mahal nya ba ako?
pero hindi ko mapigilan ang sarili ko
na itanong sayo
dahil gusto kong mismong mang galing sa bibig mo
na ang matagal ko ng inaabot sa kalangitan na mumunting tala
ay bubulusok sa lupa at nais pa sa aking magpasalo
ngunit paanong masasalo kita?
kung sabay na nga tayong nahuhulog sa isa't isa?Hindi ko rin hilig ang magsabi ng mahal kita,
pero mahal, nasabi ko na
oo, mahal kita
dati pa,
simula pa noong una tayong magkita
noong una kong masulyapan ang 'yong mata
hanggang sa nasabi ko na nga
"oo, mahal ko na s'ya"pero bakit nga ba ako umuoo?
e hindi mo naman hinihingi sa akin ang dalawang letra na nais ko ng ibigay sa'yo
kahit hindi mo pa tanungin
pero ako na lang 'ata 'yong sa'yo ay lumiligaw tinginoo, mahal kita
pero oo, kaibigan nga lang pala.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento