"ILUSYON"
Alam kong ilusyon lang pag-ibig,
Na-stimulate lang sa utak,nagsimula sa isang titig,
Wala naman talagang kinalaman ang puso,
Nagpapump lang naman ito ng dugo,
Pero bakit parang nag-iba yata ang ihip ng panahon?
Bakit sa pag-ibig, ako ay nalulong?
Teka teka, umpisahan ko munang ikuwento,
Noong mga panahong masayang magkasama tayo,
Nung mga oras na parang si ikaw at si ako lang ang tao sa mundo,
Pero bakit ganoon?
Sa iyo ata, ako na ay lulong?
Pasensya na ha?
Di ko naman sinasadya...
Kasi nung una ang akala ko pag-ibig ay ilusyon lang,
Pero parang iba na yung tinatahak kong daan,
Parang buhay ko sa iyo ay kaya ko nang ilaan,
Nanalig ako sa bagay na alam kong ilusyon lang.
Nanalig ako sa bagay na alam kong walang katotohanan,
Nanalig ako sa bagay na alam kong di totoo sa maraming paraan.
Nanalig ako sayo kasi akala ko ako lang.
Pero nagkamali ako,
Ako pa pala ang naging tulay ninyo,
Akala ko magkaibigan lang kayo,
Akala ko lang pala, kasi ako pala ang ekstra dyan sa kwento nyo.
Ako yung tipo ng taong napadaan lang,
Pero napakalaki ng papel na nagampanan,
Kasi ako lang naman yung taong sa umpisa ay kaibigan lang,
Pero sa huli, iniwan para lang makasama si aking kaibigan.
Alam kong itong tula ko ay wala nang patutunguhan,
Alam kong kanya ka na kahit lumuha akong duguan,
Alam kong wala nang magagawa itong tulang handa ko para sayo,
Kasi alam kong di mo na mapapansin si ako,
Kasi nagbago na si ikaw at bago na rin ang mahal mo.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento